Sa totoo lang ay mahal ang isang Axie. At take note, tatlong Axie ang kailangan para maglaro. Ang pinakamurang Team na Axie sa ngayon ay nasa $1200 o mahigit P60-85K. Wala pang kasiguruhan kung ang mabibili mong Axie ay magandang panlaban o hindi.


Ayon sa ating naunang article, importante na may synergy sa iyong tatlong Axie dahil kung hindi ay baka hindi ka manalo ng SLP. Ang basic team combo ay isang (1) defender at dalawang (2) attacker. Kung hindi ka marunong tumingin ng magandang Axie, masasayang lang ang perang puhunan mo.



Dahil sa malaking upfront investment kaya hindi rin lahat ay makapaglaro ng Axie Infinity. Ito ang dahilan kung bakit may mga entrepreneur na nagtayo ng Axie Infinity Scholarships.



Ano ang Axie Infinity Scholarship?


Sa Axie Infinity scholarship, ang guild o ang manager(s) ang bibili ng tatlong Axie na ibibigay sa player (scholar) na kanila namang lalaruin upang manalo at makaipon ng SLP.  Ito ay mainam para sa mga player na hindi kayang bumili ng sarili nilang Axie, or para sa mga player na gustong bumili ng Axie pero hindi pa alam kung magiging sulit or magbubunga ba ang kanyang initial investment o hindi.



Ito ang kadalasang makukuha ng scholar pag siya ay naging bahagi ng isang Axie scholarship.


  1. Tatlong (3) Axie na maganda ang synergy upang makapagsimula
  2. Dagdag kaalaman tungkol sa Axie Infinity
  3. Tips kung papaano makaipon ng SLP
  4. Community Support

Ang Axie Scholarship ang magtatake ng risk para bumili ng tatlong Axie para sa player. Sa ganitong paraan mapapanatag ang scholar (player) dahil kung ano man ang mangyari sa Axie Infinity, kung halimbawa ay bumagsak ito (halimbawa lang ha), wala silang inilabas na kahit na magkano.


Ang maganda rin sa Axie Infinity scholarships ay matuturuan ka kung paano maglaro ng game, na totoo namang kumplikado sa simula (kaya basahin ang aming guide tungkol dito). Matuturuan ka din ng ins and outs ng crypto, paano magcash-out, at iba pa.


KUMPLETUHIN ANG APPLICATION FORM:





Love this article? Sharing is caring!

WANTED Axie Infinity Scholars: Apply na at kumita ng pera habang naglalaro WANTED Axie Infinity Scholars: Apply na at kumita ng pera habang naglalaro Reviewed by Kristian S. on 22 June Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.