Kamakailan lamang ay isiniwalat ng dating empleyado ng PhilHealth ang di umano'y talamak at katakot-takot na korapsyon sa naturang ahensya. 

Ngunit ayon sa isang abogado, mahalagang malaman muna ang "pruweba ng nagresign at nagrereklamo".

Sino nga ba sya? Basahin ang pahayag ng mga abogado mula sa Facebook page na Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan:


Wag magpadala. Ang dali dali magalit sa PhilHealth ngayon. BUT! Check rin natin kung ano yung pruweba ng nagresign at nagrereklamo. Ang post na ito ay ukol lamang dun sa isang nag resign. Tatalakayin natin later yung iba pa.

Ayon sa mga news reports, si Atty. Thorsson Keith ay nag resign sa kaniyang posisyon sa PhilHealth at sinabing fraud investigator siya. Ang dahilan ng kanyang pagrersign ay:

1. Hindi daw fair ang sistema ng promotions.
2. Late nilabas yung kanyang sweldo at hazard pay.
3. Hindi niya maatim na ipasa sa mga OFWs yung "spillage" (natapon, naaksaya) ng PhilHealth.
4. Marami daw anomalya.

Bago pumanig sa nagrereklamo, nag check kami ng sagot ng chief ng Philhealth, si dating Gen. Ricardo Morales. Ayon sa kanya:

1. Hindi fraud investigator si Atty. Keith, contractual employee siya..
2. Nag apply ito for another positiohn pero na deny dahil hindi kwalipikado
3. Yung issue ng pag bayad ng mga OFWs ay na address na ni Pangulo at tuluyan pa ring pinaguusapan.
(Nasa proposed Bagong Bayanihan to Heal as One Act, pero hindi pa ito natalakay sa Kongreso ~Luminous)
4. Walang specific na binanggit tunkol sa anomalya. Kailangan ireklamo at patunayan.

Luminous assessment:
1. Walang substantiation o ebidensya si Atty. Keith. Pero pwede pa niya itong iprisinta dahil hinamon naman siya nina Spox Harry at Philhealth chief na ikanta na lahat at magprisinta ng ebidensya
2. Yung sagot ng PhilHealth, madali i-substantiate, ipapakita lang yung contract niya.
3. Pag contractual service, usually pwede yan i-terminate at anytime. So hindi kailangan ng resignation, request for termination of contract or notice of non-renewal. Pero hindi ito ginawa ni Atty. Keith.
4. Mabagal ang PhilHealth sa implementation ng Universal Health Care Act
5. Nakakabaliw ang rules sa coverage ng PhilHealth
6. Maraming issues na hindi pa nareresolve ang ahensya.

7. Mag participate kaya si Risa Hontiveros???

Hindi kami pumapanig agad sa isyu na ito dahil hindi maganda yung may nagmamanipulate ng mga emotions natin. Masama man ang loob namin sa pag singil sa mga OFWs, baka ginagamit lang ito para maghanap ng kakampi. Or worse baka gamitin ng mainstream media para mag sensationalize ng isyu.

Aminado ang PhilHealth na marami pa ring issues. TUTOO YAN. Pero yung mga issues na nire-raise natin ay substantiated at may formal complaints. Ang problema, ang tipid ng PhilHealth sa pag assure sa ating mga nagrely sa kanila. Gayunpaman, hindi pa rin maganda performance ng ahensyang ito, lalo na at nahuli ang unang appointee ni Pangulo na tumira sa isang hotel at binayaran ito ng PhilHealth. Taragis.



Love this article? Sharing is caring!

Sino nga ba si Atty. Thorsson Keith? Ang nagsiwalat sa umano'y anomalya sa PhilHealth Sino nga ba si Atty. Thorsson Keith? Ang nagsiwalat sa umano'y anomalya sa PhilHealth Reviewed by The News Feeder on 06 August Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.