![]() |
Photo from Reuters |
Kahit walang pangalan na nabanggit, ang pagka-dismaya na ipinahayag ng aktres ay tila nakatuon sa Liberal Party Senator na si Bam Aquino at sa iba pang mga opisyal mula sa oposisyon.
Ito ay matapos magkomento ang nasabing senador sa pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas at China, ang mga isla sa West Philippine Sea.
Matatandaang kamakailan lamang, pumutok ang balitang may missiles na sa naturang isla mula sa mga militar ng China.
Dahil dito, natanong ni Sen. Benigno “Bam” Aquino IV kung meron nga bang kasunduan na nagpapahintulot sa China na maglagay ng military equipment sa Philippine-claimed islands sa West Philippine Sea.
“Mayroon bang deal na nangyari between China and the Philippines kaya mayroon pong missiles ngayon sa ating teritoryo? O nagulat din ba ang administrasyon noong nalaman na mayroon nang militarization sa mga teritoryong iyon? Sa pagkakaalam ko po walang treaty between the Philippines and China allowing for these troops and military armaments to be in those areas”, sabi ni Sen. Bam Aquino.
Dagdag pa nito, "Parang makwe-kwestyon mo yung friendship natin sa China. Hindi po dapat iyan ginagawa ng mga magkakaibigang bansa na bigla-bigla ka na lang lalagyan ng mga missiles doon sa iyong teritoryo".
Sa isang Facebook post, nag-react ang komedyanteng tagapag-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Beverly Salviejo.
Ayon kay Salviejo, noong panahon ng administrasyong Aquino, hinayaan ng ating bansa ang China na makakuha ng lupa para itambak noon sa West Philippine Sea at makagawa sila ng isla.
"Ilang bundok sa Zambales ang pinatag para makakuha ng lupa ang China na itinambak para makagawa sila ng isla sa West Phil. Sea. Panahon ito ni PNoy."
Aniya pa sa mga tila naninisi sa Pangulong Duterte, "Sukdulang kapal ng mukha ninyo para isisi ito kay PRRD ang ginawa ng China".
Basahin ang kabuuan ng kanyang Facebook post:
Ilang bundok sa Zambales ang pinatag para makakuha ng lupa ang China na itinambak para makagawa sila ng isla sa West Phil. Sea.
Panahon ito ni PNoy.
Sukdulang kapal ng mukha ninyo para isisi ito kay PRRD ang ginawa ng China.
Ipinagbili ang soil ng Pinas habang umaapela sa UN sa UNCLOS, PERO ULTIMONG KATRAYDORAN NA KASABAY NA TINITIBAG ANG BUNDOK NATIN PARA MAY PANG-RECLAIM SA WPS!
SA HALAGANG?????
Love this article? Sharing is caring!

Panahon ni PNoy 'to! Actress hits back at Pres. Duterte's critics for blaming him on PH-China dispute in WPS
Reviewed by The News Feeder
on
09 August
Rating:

No comments:
Share your thoughts here...