Sa gitna ng mainit na kontrobersya na kinakaharap ngayon ng PhilHealth dulot ng di umano'y talamak na korapsyon sa ahensya, naghayag ang isang abogado ng kanyang opinyon tungkol dito.
Sa Facebook post ni Atty. Bruce Rivera, tinuligsa ng naturang abogado si Sen. Risa Hontiveros na noon ay director ng PhilHealth.
Narito ang mga sinabi ng abogado:
PHILHEALTH ADS NI SEN. HONTIVEROS
Naalala ko during elections na nakakalula ng KAILANGAN mo bayaran sa TV ads. Pero walang nagrereklamo kasi KAILANGAN mo ng TV ads para may exposure para manalo. So, napipilitan ka.
Kaya, ganun na lang ang galit ng mga talunan kay Bong Revilla kasi sikat siyang artista at kilala na. Pero, yung kay Bong, di niya lasalanan na artista siya at may exposure sa TV. Ganun din kung maging product endorser katulad ni Isko kasi lailangan ng produkto ng TV ads para mabenta sila.
Ang tanong, kailangan ba ng PhilHealth ng TV ads. Sila lang ang PUBLIC HEALTH INSURER ng Pilipinas. Wala silang kalaban na kailangan nila ng parokyano. At higit sa lahat, madaming nawawala sa kanilang pondo dahil sa mga fraud.
So, bakit nila kailangan mag TV ads na alam nating very very expensive commodity. Anong purpose??? Paghikayat na magbayad ng premiums? Hindi ba alam ng PhilHealth na kinakaltas na ng employer ang premiums at ang mga mayayaman, private insurers ang gagamitin. In public insurance, walang kumpetensiya ang PhilHealth.
So, nung naglabas sila ng ads na si Sen Hontiveros ang model, magtataka ka. Anong aim nila? Sana nag-invest na lang sila sa IT imbes sa ads. Pero, napaisip ako, desisyon ng board yan. Nung nagboard meeting at may nagpanukala na gagastos sila ng milyones para mag TV ads na si Board member Hontiveros ang modelo, nagkahiyaan bang sabihin ng ibang members na hindi magandang tignan ang isang board member who lost the last senatorial race in an ad months before the next elections to give her national prominence.
Or perhaps, si Sen. Hontiveros mismo ang humindi. Kasi siya naman itong nananawagan na parusahan lahat ng mga garapal at waldas sa PhilHealth.
Insurance ang PhilHealth. Extraordinary diligence or uberimmae fidae ang paghandle ng funds under insurance law. Wala sa batas ang delicadeza pero ang level of diligence nasa commercial law. Naalala ko si Dean Sundiang. Tqndang-tanda ko pa.
Yan, may recibo. Hindi pwedeng ideny. Huwag ako!!!!
Below is a video with Sen. Hontiveros talking for PhilHealth and saying na may kalokoham talaga. Eh bakit di niyo napigilan at nagpatuloy. Si Erin Tañada pa nag-intervuew sa yo. Hmph.
https://www.facebook.com/600776342/posts/10158331186491343/
Love this article? Sharing is caring!

No comments:
Share your thoughts here...