P15 bilyong pondo ang ibinulsa at winaldas ng mga korap na opisyal ng PhilHealth: ito ang mariing iginiit ng isang lalaking dating nag-tatrabaho para sa nasabing ahensya.
Pagsisiwalat ni Thorrson Montes Keith sa mga senador na nag-iimbestiga sa umano'y mga iregularidad sa PhilHealth, "Naniniwala po ako na ang perang winaldas at ninakaw ay humigit kumulang ₱15 billion,"
Hindi man direktang pinangalanan ng dating empleyado ang mga opisyal na inaakusahan, sinabi nitong hindi patas ang ginagawang pagkaltas sa mga OFW o overseas Filipino workers.
Saad pa nya, ilang gamit sa IT department ng naturang ahensya ang overpriced ng ilang milyon.
'Laptops worth P100M': PhilHealth's Morales repeatedly approved questionable IT budget - official. This can be considered as the "crime of the year," paliwanag ni Keith.
"Naniniwala po ako na ang dahilan kung bakit hindi natatapos ang korapsyon sa PhilHealth at naging kultura na po ito ay dahil sa pagtatalaga ng mga sindikato o mafia ng kanilang kasamahan, kasabwat o kapwa sindikato sa mga matataas na posisyon na nakakatulong sa kanilang ilegal operasyon," dagdag nya.
Nagbitiw sa pwesto si Keith dahil umano sa laganap na korapsyon sa nasabing ahensya na syang responsable sa pagbabayad ng COVID-19 tests at iba pang medical bills ng mga Pilipino.
Love this article? Sharing is caring!

15B pondo ng PhilHealth, ibinulsa at winaldas umano ng mga korap na opisyal
Reviewed by The News Feeder
on
04 August
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...