![]() |
Photo from UNTV |
Van Ybiernas, a historian who is also a professor from the De La Salle University, thoroughly explained in his Facebook post how the way anti-Duterte wants the government to handle the issue will not work.
As per Prof. Ybiernas, if in movies it is clear who is right and wrong, in real life, that is not the case — referring to the PH-China dispute over territorial sea.
"Sa pelikula, malinaw kung sino ang masama at ang mabuti. Pero sa tunay na buhay, hindi yan ganyan kalinaw," he said adding "Hindi mape-pressure ninuman ang Tsina dyan sa karagatan sapagkat kumbinsido ang lahat ng mga Tsino na sa kanila yan. So hinding-hindi sila uurong kahit ano ang mangyari."
The historian then hinted about a looming aggravation if we are to follow what the opposition want the government to do to assert our rights.
"Willing sila, at most, makipag-hati sa atin. Pero kung magpapadala tayo sa pulitikal na interes ng iilan, baka yung hati ay mawala pa kapag tinalikuran tayo ng Tsina sa negotiating table," Ybiernas said.
Later, the educator from the De La Salle University discussed one by one how the previous administration's failed attempt over the most coveted sea affected the current situation after the Aquino administration insisted our sovereignty.
"Ang naiisip gawin ng kontra-Duterte ---ito kasi ang advice ng mga anti-Duterte IR experts--- ay bumalik tayo sa yakap ng Amerika. Kasi umaasa silang tutulong ang Kano sa atin sa problemang iyan. Pero GINAWA NA YAN. Wala din nangyari," the professor said.
Citing another option that already failed in the past, Ybiernas said: "Inilapit na ni Noynoy sa ASEAN yan. Wala rin nangyari. Nawala na sa atin ang Panatag sa ilalim ni Noynoy, hindi rin tumulong ang Amerika."
He also throw shade at people who are against the president's leadership when in fact no territory has been lost under the incumbent Chief Executive.
"WALANG NAWALANG TERITORYO SA PANAHON NI DUTERTE. Pero may lakas loob pa ang mga kontra na sabihing mali ang diskarte nya," Ybiernas said.
Setting the record straight, he made himself clear and explained that he agrees with Pres. Duterte's approach not only because he supports him, but because he is being fair and objective on the matter.
"Hindi ako sumasang-ayon kay Pangulong Duterte dahil supporter ako. Kahit noong si Noynoy pa ang pangulo iyan na ang sinasabi ko bilang estudyante ng IR", the pro-Duterte historian said.
"pakikipag-kaibigan ang pinakamagandang diskarte natin sa sitwasyong ito sapagkat NALUGI LANG TAYO nang antagonistic ang approach natin sa Tsina noong nakaraang administrasyon", he continued.
Pointing out the opposition's preferred strategy in dealing with China, Prof. Ybiernas nullified the idea since their suggested tactic — according to the professor — was already proven in the past to be of no use as it only worsen the situation instead of improving it.
"Maraming nananaginip na maganda ang kalalabasan ng naiisip nilang diskarte sa Tsina, pero NAGAWA NA ANG LAHAT NG SINASABI NILA at imbes na bumuti ang sitwasyon natin ay lumala lang. Nawala sa atin ang Panatag," he claimed.
Explaining had Duterte followed what his critics want to happen, things will get worse and the country will be doomed, the professor's statements implied.
"Maganda sanang sabihin na gawin natin ang gusto ng mga kontra para maipakita sa kanilang panaginip ang mga sinasabi nila. Kaso lalala lang ang sitwasyon natin," he said.
"Kung akala nila ito na yung malala, tingnan nila ang sitwasyon kung antagonistic tayo sa Tsina: bagsak ang export ng saging sa Tsina, pinagbabawalan ng Tsina ang mga turista nilang pumunta ng Pilipinas, bawal tayo mangisda sa Panatag, etc." he added.
For now, with the present condition and status of our state forces, Ybiernas said the Philippines should persevere and try hard to strengthen its defense system to power through when the time comes.
"Hangga't mahina ang navy at coast guard natin, wala tayong choice kundi magtiis at magsumikap na palakasin sa wakas ang ating sarili." he said.
Below is Prof. Ybiernas' complete Facebook post:
Ito talagang sa China ang weakness ng Duterte admin.
Kasi mas malakas ang dating ng nationalist sentiment kesa mga reyalidad ng diplomasya.
Taumbayan lang ang biktima rito dahil kung sino man ang makikinabang sa isyu na ito, siguradong hindi rin nila mababago ang sitwasyon ng bansa vis-a-vis sa Tsina. Ang Tsina lang ang makakabago ng sitwasyon natin vis-a-vis sa kanila.
At ang makikinabang dito, pagdating ng panahon, hindi rin makaka-deliver sa pangako nilang mas mabuting kalagayan para sa ating bansa vis-a-vis Tsina kasi nga wala naman magbabago sa sitwasyon natin o sa sitwasyon ng Tsina. Walang panggagalingan ang improvement ng relasyon. Kaya sisingilin din sila ng taumbayan sa postura nila at kalauna'y mamalasin din.
Dekada ang bibilangin bago natin mabago ang sitwasyon natin dahil ang pagbabagong iyan ay manggagaling lamang sa magandang lagay ng ating navy at coast guard, na hindi mangyayari agad-agad.
Samakatuwid, kung mamalasin si Duterte dahil dito sa Tsina, sinayang na natin bilang isang bansa ang pinakamagandang sitwasyon para sa atin sa relasyong ito.
Sa pelikula, malinaw kung sino ang masama at ang mabuti. Pero sa tunay na buhay, hindi yan ganyan kalinaw. Hindi mape-pressure ninuman ang Tsina dyan sa karagatan sapagkat kumbinsido ang lahat ng mga Tsino na sa kanila yan. So hinding-hindi sila uurong kahit ano ang mangyari.
Willing sila, at most, makipag-hati sa atin. Pero kung magpapadala tayo sa pulitikal na interes ng iilan, baka yung hati ay mawala pa kapag tinalikuran tayo ng Tsina sa negotiating table.
Ang naiisip gawin ng kontra-Duterte ---ito kasi ang advice ng mga anti-Duterte IR experts--- ay bumalik tayo sa yakap ng Amerika. Kasi umaasa silang tutulong ang Kano sa atin sa problemang iyan. Pero GINAWA NA YAN. Wala din nangyari.
Inilapit na ni Noynoy sa ASEAN yan. Wala rin nangyari. Nawala na sa atin ang Panatag sa ilalim ni Noynoy, hindi rin tumulong ang Amerika.
WALANG NAWALANG TERITORYO SA PANAHON NI DUTERTE. Pero may lakas loob pa ang mga kontra na sabihing mali ang diskarte nya.
Hindi ako sumasang-ayon kay Pangulong Duterte dahil supporter ako. Kahit noong si Noynoy pa ang pangulo iyan na ang sinasabi ko bilang estudyante ng IR: pakikipag-kaibigan ang pinakamagandang diskarte natin sa sitwasyong ito sapagkat NALUGI LANG TAYO nang antagonistic ang approach natin sa Tsina noong nakaraang administrasyon.
Maraming nananaginip na maganda ang kalalabasan ng naiisip nilang diskarte sa Tsina, pero NAGAWA NA ANG LAHAT NG SINASABI NILA at imbes na bumuti ang sitwasyon natin ay lumala lang. Nawala sa atin ang Panatag.
Hindi perpekto ang sitwasyon ngayon pero ganyan talaga kapag ikaw ang mas mahina. Alam yan ng mga nasa ibaba ng lipunan. Hindi ka nakakatanggi kasi may bwelta parati yung nasa itaas.
Maganda sanang sabihin na gawin natin ang gusto ng mga kontra para maipakita sa kanilang panaginip ang mga sinasabi nila. Kaso lalala lang ang sitwasyon natin.
Kung akala nila ito na yung malala, tingnan nila ang sitwasyon kung antagonistic tayo sa Tsina: bagsak ang export ng saging sa Tsina, pinagbabawalan ng Tsina ang mga turista nilang pumunta ng Pilipinas, bawal tayo mangisda sa Panatag, etc.
Bully ang Tsina. Alam ng lahat yan.
Kung sa klasrum yan, pwede mo isumbong kay titser yung bully mong klasmeyt.
Pwede ka rin magpunta sa barangay o sa pulis.
Pero saan o kanino natin isusumbong ang Tsina? Sa Amerika na hindi nga tayo tinulungan nang angkinin ng Tsina ang Panatag noong 2012?
Mas madali nga naman ang managinip kesa tumira sa reyalidad.
Mas maganda nga namang isiping ako ang siga sa bahay namin pero ang reyalidad ako ang tagaluto, tagahugas ng pinggan, taga laba, taga plantsa (paminsan-minsan kung wala yung plantsadora namin).
Madaling managinip na titigil si Teroristang Misis sa pang-a-alila sa akin kapag sinabi ko sa kanyang hindi ako natutuwa na inaalila nya ako. Pero ang reyalidad, pagtatawanan lang ako nyan kapag nagreklamo ako. Na hanggang walang divorce law ay walang remedyo ang problema ko.
Ganyan din ang karagatan natin. Hangga't mahina ang navy at coast guard natin, wala tayong choice kundi magtiis at magsumikap na palakasin sa wakas ang ating sarili.
Hindi yan mangyayari agad agad kahit anong panaginip ang gawin natin
Source: Van Ybiernas' Facebook
Love this article? Sharing is caring!

Historian explains why anti-Duterte's suggested approach on WPS will not work
Reviewed by The News Feeder
on
23 July
Rating:

No comments:
Share your thoughts here...