Hindi nakapagpigil na maghayag ng kanyang saloobin ang singer-actress na si Sharon Cuneta matapos ang post sa social media ng abogadong si Chel Diokno.
Ayon sa post ng natalong kandidato sa pagkasenador, 'Daming nagkakasakit at namamatay, pero #OustKiko ba talaga ang paandar ng administrasyon? Wag sana nila gagamitin pa itong COVID para ipilit ang interes ng mga totoong oligarchs na political families. Testing at ayuda ang kailangan ng taumbayan!'
Kasunod nito ay ang palaban na komento ng maybahay ni Sen. Kiko Pangilinan kaugnay ng kampanyang pagpapatalsik umano sa kanyang asawa.
"So now, my husband naman. I want to refrain from posting about politics na, but sorry po - I have to stand up for what is right - especially if it involves someone I love." pahayag ng Megastar.
Dagdag pa nya, matagal na nyang pinalampas ang mga masasakit na salita laban sa kanyang asawa at pamilya.
"Matagal ko na pinalampas ang mga pamimintas at masasakit na salita laban sa asawa ko, pero hindi na po kaya ng pamilya namin. Lalo na ng mga anak naming wala namang malay at di hiniling na dito sa pamilya namin sila isilang" ani Cuneta.
Basahin ang kabuuan ng kanyang pahayag:
So now, my husband naman. I want to refrain from posting about politics na, but sorry po - I have to stand up for what is right - especially if it involves someone I love. Matagal ko na pinalampas ang mga pamimintas at masasakit na salita laban sa asawa ko, pero hindi na po kaya ng pamilya namin. Lalo na ng mga anak naming wala namang malay at di hiniling na dito sa pamilya namin sila isilang. I wonder who’ll be next? Going too far. So sad. O, Pilipinas naming mahal...ano na ang ginagawa sa iyo...Dear God, You are alive, You see all, You know all. We trust only in YOU.🙏🏼🙏🏼🙏🏼 Kalma lang. Nandyan ang Panginoon. At KAMI, NANANALIG SA KANIYA. Bilog ang mundo. At mapalad ang inaapi. God bless us all.🙏🏼🙏🏼🙏🏼
Love this article? Sharing is caring!

#OustKiko: Sharon, nagkomento sa umano'y government-backed ouster kay Kiko
Reviewed by The News Feeder
on
15 July
Rating:

No comments:
Share your thoughts here...