Natagpuan ang isang 27-anyos na pinoy sa Thailand na wala nang buhay.

Kaawa-awa ang sinapit ng isang pinoy OFW sa Thailand matapos nitong kitilin ang sariling buhay dulot ng depresyon.


Guro umano si Melvin sa Chulalongkorn University Nonthaburi Project ayon pa sa Pinothaiyo.

Ayon sa isang ulat, power cord raw ang ginamit ng pinoy upang wakasan ang kanyang buhay.

Nadatnan na lang ang pinoy na guro sa balkonahe ng kanyang apartment na wala nang buhay dahil umano sa patong-patong na problema.

Napag-alaman ito nang makita nila ang mga suicide letter ni Melvin kung saan inilahad ng lalaki ang kanyang ang kanyang mga saloobin na nagtulak sa kanya para gawin ito.

Nakita ng mga otoridad doon ang nangyari sa lalaki kinakabukasan pa lamang matapos nyang gawin ang naturang bagay.

Saad ng lalaki, “So stress, anxiety, paranoid, family problem, job problem, money, failed dream. I can’t do this anymore. It hurts,”

“Hindi ko na po alam ang gagawin ko dito sa Thailand. Hindi na ako makakain, di manlang ako makauwi sa Pinas,” dagdag pa niya. 

Naghabilin rin umano ang lalaki sa kung ano ang gagawin sa kanyang mga gamit at sariling bangkay. 

Samantala, agad namang naipaalam sa Philippine Embassy at Department of Foreign Affairs ang nangyari kay Teacher Melvin.

Panuorin ang video mula sa Trend Me PH:





Love this article? Sharing is caring!

Pinoy na guro sa Thailand, kinitil ang sariling buhay bunga ng depresyon Pinoy na guro sa Thailand, kinitil ang sariling buhay bunga ng depresyon Reviewed by The News Feeder on 9:17 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.