Isa na namang pinay ang nadagdag sa bilang ng mga pilipino na nagpapakamatay sa gitna ng C0VID-19 pandemic.
May pamilya na namang mauulila matapos kitilin ng isang 28-anyos na pinay ang kanyang sariling buhay habang nag-aantay na makauwi sa Pilipinas.
Ang naturang pinay ay crewmember ng cruise ship na MV/Harmony of the Seas.
Ayon sa isang ulat, nangyari ang insidente habang inaantay ng kaawa-awang cruise ship worker ang kanilang flight pabalik ng bansa.
Ginawa umano ito ng babae sa mismong loob ng kanyang cabin.
Sa pahayag sa social media ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., “It is my sad duty to report that a 28-year old female mariner committed suicide in her cabin in the ship where she’s had to stay because repatriation flights back to the Philippines have been suspended again. I know our quarantine facilities are jam-packed; just don’t know why.”
Nagbigay naman ng paalala si Locsin kaugnay ng tila mabagal na pagpapaabot ng tulong sa mga OFW na matinding naapektuhan ng pandemya.
“We are tartly reminded that Filipino resilience is no excuse to stretch them to breaking point. Di sila goma, tao sila (They’re not rubber band, they’re human),” aniya.
Love this article? Sharing is caring!

Pinay cruise ship worker na nag-aantay mapauwi, kinitil ang sariling buhay
Reviewed by The News Feeder
on
11 June
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...