Labis na kinaaliwan ng mga netizen ang nag-viral na video kung saan makikitang napagkamalan ng mga manunuod na isang online selling ang nagaganap na online class.

Sa isang video ng teacher mula sa Hinunangan, Southern Leyte na si Reydest Led, makikita syang nakaharap sa laptop at mababatid na nagtuturo sa isang klase kung saan maririnig pa ang mga katagang "Today, we will (sic) going to discuss you (sic) about condensation."


Kinalaunan, kumuha ng kaserola at kalan ang guro para mailarawan ng maigi ang proseso ng condensation.

READ MMDA, iimbestigahan ang pagsayaw umano sa EDSA ni Kim Chiu

Aniya, "Today, I have here models para alam ninyo kung ano ang nangyayari sa condensation."

Maya-maya pa ay nagsimula nang magtanong ang mga nanunuod sa kanya.

"How much?" basa ni Reydest sa isang nag-comment.

Sagot nya, "Ay! Online class po ito, hindi 'to online selling!"

Comment pa ng iba,

"Anong mga sizes?

"PM how much!

"Magkano 'yung kalan?" sambit ng guro.

Mapapansing ang nasabing video sa Tiktok ay napagkatuwaan lamang gawin ng video uploader habang hindi pa balik-eskwela ang kanyang mga estudyante.

Umani naman ng positibong reaksyon mula sa netizens ang naturang video.

READ MMDA, iimbestigahan ang pagsayaw umano sa EDSA ni Kim Chiu

Panuorin dito:



Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:





Dahil sa kasalukuyang sitwasyon, isinusulong ng Department of Education o DepEd ang online learning para sa patuloy na pag-aaral ng mga estudyante sa kabila ng pandemya.

Sa press briefing ng pangulong Duterte kamakailan, umayon ito kay DepEd Secretary Leonor Briones sa iminungkahi ng kalihim na online learning.

Ayon kay Briones, ito ay isa sa kanilang mga nakikitang solusyon bilang kapalit ng regular setup ng mga mag-aaral sa eskwelahan.


Love this article? Sharing is caring!

Online learning na napagkamalang online selling, kinaaliwan ng netizens Online learning na napagkamalang online selling, kinaaliwan ng netizens Reviewed by The News Feeder on 04 June Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.