Agad nakarating sa MMDA o Metropolitan Manila Development Authority ang balitang sumayaw umano sa EDSA si  Kim Chiu matapos itong kumalat sa social media.

Ang video kung saan makikita si Chiu na sumasayaw ay na-share ng aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang Instagram story.


Mabilis na pinabulaanan ni Chiu na sa EDSA nangyari ang pagsayaw nya sa naturang video.

READ ABS-CBN Corp. Chairman Emeritus Gabby Lopez: "I would give up my US citizenship"

Nang kunin ang reaksyon ng MMDA tungkol dito, ang isinagot ni MMDA spokesperson Celine Pialago sa isang text message sa ABS-CBN, "We will verify if this video of the actress really happened in EDSA. If it did, We will summon/invite her to explain her side and from there we will act accordingly."

Dagdag pa nya, marami nang problema na mas kailangang pagtuunan ng pansin kung kaya ito lamang ang masasabi ng kanilang tanggapan sa ngayon.

"Marami po tayong problema na kailangan pong unahin at pagtuunan ng pansin kaya po sa ngayon ito po muna ang reaksyon ng aming opisina sa issue." ani Pialago.

READ ABS-CBN Corp. Chairman Emeritus Gabby Lopez: "I would give up my US citizenship"




Love this article? Sharing is caring!

MMDA, iimbestigahan ang pagsayaw umano sa EDSA ni Kim Chiu MMDA, iimbestigahan ang pagsayaw umano sa EDSA ni Kim Chiu Reviewed by The News Feeder on 6:52 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.