Hindi nangiming sumagot ang singer-actress na si Kim Chiu sa sinabi ng isang basher tungkol sa kanyang kanta.

Matapos ang sunod-sunod na pag-viral sa social media ni Chiu sa gitna ng quarantine, usap-usapan na naman ang Kapamilya artist dahil sa ginawa nitong pagpatol sa isang netizen na nag-comment sa kanyang Instagram post.


Kamakailan lamang ay muling gumawa ng ingay si Chiu sa online world kasunod ng live performance nya sa Wish bus ng viral song na Bawal Lumabas.

READ Viral ang batang ina matapos mahulihan ng dr0ga pero hindi nababahala makulong

Subalit kapansin-pansin sa YouTube channel ng Wish FM na marami ang hindi nagustuhan ang naturang video matapos itong ulanin ng daang libong dislike sa loob lamang ng dalawang oras.

Dahil nag-trending ang sangkatutak na dislike sa nasabing video, agad itong nag-number 1 sa mga trending videos sa YouTube.

Bunsod nito, naghayag ng pasasalamat si Chiu sa Instagram kaugnay ng 3 million views sa kanyang live performance.

Ngunit pinutakte rin ng bashers ang gratitude post ng female celebrity.

READ Aktres na si Pinky Amador, sinigawan at pinagmumura ang hotel staff

Banat ng isang basher na hindi pinalagpas ng aktres, wala naman daw koneksyon ang chorus ng kanta sa ginawang lyrics.

“Kim... u'll be remembered as meme artist... pwd nmn kantahin ung mas decent song.. alam mo nmn sa sarili na walang sense ung kanta mo.. why not sing a good song rather.. u should know ur limitations.. hindi nman relate ung lyrics sa chorus.. sobrang nkkabobo at nkkatanga lng.” aniya.

Hindi naman ito inurungan ni Chiu at sinagot ang komento ng deretsahan ngunit sa mahinahong paraan.

Aniya, “Okay classmate, may option ka naman na wag pakinggan. Salamat na din pinakinggan mo yung kanta. Chill ka lang, kung ayaw mo ang isang bagay wag mo panoorin or pakinggan. Ganun lang kadali ang LIFE!!! ang hirap na ng buhay papahirapan mo pa lalo.”

READ Dugyot na pagawaan ng Vitamin C syrup, sinalakay ng mga pulis




View this post on Instagram

A post shared by Kim Chiu ๐ŸŒธ (@chinitaprincess) on


Love this article? Sharing is caring!

Kim Chiu, bumwelta sa basher na nagsabing 'nakakabobo' ang kanta nya Kim Chiu, bumwelta sa basher na nagsabing 'nakakabobo' ang kanta nya Reviewed by The News Feeder on 07 June Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.