Instant millionaire ang isang pinay OFW sa UAE matapos nyang itaya sa lotto ang kanyang last money.

Sa gitna ng krisis, pinalad maging milyonarya ang pinay na si Remedios Bombon na kasalukuyang nagta-trabaho sa United Arab Emirates nang abutan ng pandemya.


Kwento nya, isa syang housekeeper at bus attendant doon bago ipinatupad ang lockdown sa kanilang lugar na naging sanhi ng pagtigil ng ilang industriya kabilang na ang mga pinag-tatrabahuhan nya.

Ngunit housemaid raw ang kanyang unang naging trabaho pagdating nya sa UAE.

Ayon kay Remedios, kahuli-hulihang pera nya na sa pitaka ang AED60 o ₱820+ na itinaya sa lotto kung kaya naman pikit-mata raw nya itong ginawa.

Bago manalo, tatlong buwan na umano syang walang trabaho dulot ng pagsasara ng mga kumpanya bilang pag-iingat sa sakit kaya ito ang nagtulak sa kanya para magbakasali sa lotto.

Pagbabahagi ng OFW, ang dasal raw niya noon ay kahit pa apat na numero lang ang mapanalunan ay sapat na sa kanya. Subalit laking gulat niya nang pati ikalimang numero ay nakuha rin nya.

Hindi raw sya makapaniwala sa AED 333,333 o nasa ₱4.5 million na kanyang napanalunan mula sa AED60 lang.

Aniya, naging emosyonal sya ng lubos sapagkat naisip niya ang kanyang mga pinagdaanan bago siya magkaroon ng malaking halaga ng pera.

Dahil dito, makakapagpagawa na raw sya ng sariling bahay at makapagbibigay na rin sa kanyang mga kapatid nang pangpuhunan para sa kanilang negosyo.

Bukod kasi rito, isa raw sa mga inaalala nya noon ay ang kanyang asawa na bed-ridden na.

Panuorin dito:



Love this article? Sharing is caring!

Housekeeper sa UAE, nanalo ng ₱4.5 million matapos itaya ang last money sa lotto Housekeeper sa UAE, nanalo ng ₱4.5 million matapos itaya ang last money sa lotto Reviewed by The News Feeder on 01 June Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.