Natalo sa kaso ang Rappler CEO matapos syang hatulan ng guilty, Lunes, Hunyo 15.

Base sa desisyon na inilabas ng Manila Regional Trial Court Judge na si Rainelda Estacio-Montesa, guilty sa Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act (specifically for cyber libel) ang Executive Editor at CEO ng Rappler na si Maria Ressa at ang dating researcher-writer na si Reynaldo Santos Jr.


Si Ressa at Santos ang kauna-unahang journalists na nahatulang guilty sa kasong cyber libel.

Isinampa ang kaso sa dalawa dahil sa isang ulat mula sa news site noong 2012 kung saan binanggit doon na ang businessman na si Wilfredo Keng ay nagpahiram umano ng kanyang sports utility vehicle sa noon ay Chief Justice Renato Corona.

Nakasaad rin sa kaparehong article ang isang intelligence report na nagsabing dati umanong under surveillance ng National Security Council si Keng dahil sa alleged involvement nito sa human trafficking at drug smuggling.

Nagsampa ng kaso si Keng makalipas ang limang taon mula nang mai-publish ang nasabing ulat at tatlong taon matapos itong ire-post dahil raw sa typographical error.

Source: Inquirer


Love this article? Sharing is caring!

GUILTY: Maria Ressa, hinatulan na ng korte GUILTY: Maria Ressa, hinatulan na ng korte Reviewed by The News Feeder on 15 June Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.