"P***** i** mo! 'Pag ako nagkasakit, babayaran mo ba ang ospital (bills) ko!?"

Isa lamang ito sa mga maaanghang na salita na pinakawalan ng aktres na si  Pinky Amador sa isang hotel staff.


Sa video na in-upload ng isang netizen, mapapanuod si Amador habang galit na galit at pinagsisigawan ang mga hotel staff.

READ Mister ni Dawn Zulueta, nagbigay ng mamahaling motor kay Coco Martin

Nag-viral ang naturang video kung saan makikitang sumasabog sa galit ang aktres habang kinakausap ang mga staff ng isang hotel. Ngunit mapapansing sa isang partikular na staff lang nag-uumapaw ang sama ng loob ni Amador.

Maririnig sa video ang aktres na nagrereklamo dahil nailagay umano sa panganib ang buhay nya matapos magpatuloy ang hotel ng mga OFW doon na wala pa raw test results.

Bukod pa dito, isa pa sa mga maririnig na ikinakagalit ng aktres ay ang copy umano ng 'circular' na hinihingi nya mula sa staff ngunit hindi pa rin daw naibibigay makalipas ang tatlong linggo.

Ang circular na tinutukoy ni Amador ay ang notice sa lahat kaugnay ng pagdating ng mga OFW doon na PUM o Persons Under Monitoring.

Nang patuloy nyang pagmumurahin ang halatang nasisindak na na hotel staff ay kalmado itong sumagot sa aktres at sinabing "Hwag nyo po akong murahin, ma'am." kung saan sinagot naman sya ni Amador ng "Eh mumurahin kita dahil buhay ko nakasalalay dito! Mga sinungaling kayo!"

Paliwanag ng babaeng sinisigawan, "sinusunod lang po namin ma'am."

Patuloy na nagwala si Amador at sinabing "Hindi! Wala akong pakialam! Sumunod ka samin, p***** i** nyo! Buhay ko nakasalalay dito!"

"Lumabas ka dyan, p***** i** mo, masasaktan kita!" dagdag pa nya.

Maya-maya pa, itinulak ni Amador ang computer ng babaeng sinisigawan nya.

Tanong ni Amador sa isang guard, "Bakit hindi nyo pino-post 'yung in-email nyo sa'min na may pumasok ditong PUM? Alam mo bang na-expose ako doon?"

Sinubukan syang pakalmahin ng guard ngunit hindi natinag dito ang aktres.

"Relax lang, relax lang." mahinahon na pakiusap ng guard.

"Relax, relax ka dyan! Sapakit kita eh!" sagot nya.

Dahil tila hindi agad naintindihan ng staff ang gustong mangyari ni Amador, sinabihan ito ng aktres na "You listen to me! "P***** i** mo bobo ka talaga!"

READ Mister ni Dawn Zulueta, nagbigay ng mamahaling motor kay Coco Martin

Panuorin dito:







Love this article? Sharing is caring!

Aktres na si Pinky Amador, sinigawan at pinagmumura ang hotel staff Aktres na si Pinky Amador, sinigawan at pinagmumura ang hotel staff Reviewed by The News Feeder on 2:38 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.