Sa naganap na pagdinig sa kongreso noong Miyerkules, June 3, sinagot ni ABS-CBN Corp. Chairman Emeritus Gabby Lopez ang mga tanong na ibinato sa kanya ng mga mambabatas.

Matapos syang anyayahan ng mababang kapulungan na sumipot dito, isa-isang sinagot ni Lopez ang mga katanungan sa pagdinig bagaman hindi sya aktwal na nakadalo at via online lamang.

READ MMDA, iimbestigahan ang pagsayaw umano sa EDSA ni Kim Chiu

Gaya ng inaasahan, umikot ang pagtatanong sa tunay na pagkakakilanlan ni Lopez, partikular na ng kanyang nasyonalidad na matagal nang kinekwestyon ng ilan dahil hindi umano pinapayagan ng batas ang mga dayuhan na magmay-ari ng mass media sa Pilipinas.

Hindi naman itinanggi ng Chairman Emeritus ang kanyang pagiging dual citizen (Filipino-American) kung kaya nang tanungin si Lopez ni Anakalusugan Party-List Rep. Michael T. Defensor kung kinonsidera nya bang talikuran ang kanyang American citizenship, ang sagot nya: “Yes, I have considered it. But you know, the way I see it, I am first and foremost Filipino. I will live and die in the Philippines, that has certainly been the family’s position.”

Giit pa ni Lopez, “If it came down to conflict of interest, I would give up my US citizenship in a minute.”

READ MMDA, iimbestigahan ang pagsayaw umano sa EDSA ni Kim Chiu

Sa kasalukuyan, pansamantalang suspendido ang pagdinig sa kamara at muling magpapatuloy sa Lunes, June 8.


Love this article? Sharing is caring!

ABS-CBN Corp. Chairman Emeritus Gabby Lopez: "I would give up my US citizenship" ABS-CBN Corp. Chairman Emeritus Gabby Lopez: "I would give up my US citizenship" Reviewed by The News Feeder on 04 June Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.