Ilang araw mula ng ipasara ng NTC ang ABS-CBN, sunod-sunod ang paglalahad ng saloobin sa social media ng mga artista laban sa nangyari, kabilang na si Angel Locsin.

Ngunit sa kanyang video na in-upload sa Instagram, tila nag-iba ang ihip ng hangin.


Bukod kay Coco Martin at Kim Chiu, isa si Locsin sa mga inulan ng batikos kaugnay ng walang takot na pagpapahayag ng kanilang suporta sa Kapamilya network.

Harry Roque, binalikan si Coco Martin sa sinabi nya laban sa pamahalaan

Matapos mag-trending, paliwanag ni Kim sa 'classroom' comparison: "Hindi ko din naintindihan"

Dahil dito, inakala ng marami na kontra sa gobyerno ang Darna actress. Ito ay matapos din aminin ni Locsin na pinagsisisihan nya ang ginawang pagboto sa pangulo dahil raw sa mga 'fanatic na atake lang ng atake'.

Nilinaw ito ng Kapuso-turned-Kapamilya sa nasabing Instagram video. 

Doon, binigyang diin ng aktres ang kanyang layunin sa pagbabahagi ng kanyang saloobin sa naganap na pagsasara. 

Aniya, ang ipinaglalaban nya ay hindi laban kontra sa pamahalaan. 

“Lilinawin ko lang po na hindi ito laban against our government.

“I wish our President the best.

“Hindi po natin malalagpasan ang pandemyang ito kung wala po siya.

“Naniniwala ho ako na dapat po sa panahon ngayon lalo ay magkaisa po tayo at magtulungan.

“Hindi po ito laban against our government, lilinawin ko lang po ulit.” paliwanag ng female celebrity.
Sa puntong iyon, sinamantala ni Locsin ang pagkakataon para bigyan ng matinding babala ang kanyang home network.

“Sa ABS-CBN, kung mabibigyan po tayo ng second chance, pangalawang pagkakataon, itama po natin ang lahat ng pagkukulang natin.

“Pasalamatan ho natin yung mga tao, yung mga tao na sumuporta sa laban.

“Mas bigyan po natin ng tamang alaga yung mga nagtratrabaho sa ABS-CBN, kasi sila po yung sumuporta sa laban na ito.

"Yung mga irregular na matagal nang nagtatrabaho sa ABS-CBN, i-regular po natin.

"Bigyan po natin ng tamang benepisyo, bigyan po natin ng magandang buhay yung mga tao." saad ng Kapamilya star.

Inanyayahan din ng aktres ang cameraman na nag-viral matapos maglahad ng sama ng loob sa dati nyang pinagtrabahuhan, ang Kapamilya network.

Nagsalita na! Former ABS-CBN cameraman, may matinding mensahe kay Coco Martin








A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Reaksyon ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN shutdown, labis na hinangaan ng mga netizen




Love this article? Sharing is caring!

Walang takot! Angel Locsin, may matinding paalala sa ABS-CBN Walang takot! Angel Locsin, may matinding paalala sa ABS-CBN Reviewed by The News Feeder on 6:20 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.