Nagbalik na sa paghahatid ng balita ang TV Patrol ngayong gabi, May 07, 2020.
Ayon sa ulat, papayagan ng Philippine National Police (PNP) ang mga empleyado ng Kapamilya Network na makadaan sa mga checkpoint kahit pa off-air ang ABS-CBN ngayon.
Base sa advisory ng PNP sa kanilang official facebook page:
"All ABS-CBN executives, reporters, technical staff and employees remain included among Authorized Persons Outside Residence (APOR) pursuant to IATF-MEID guidelines on Enhanced Community Quarantine and should be allowed to pass thru all Quarantine Control Points subject to routine presentation of valid ID.”
Umere ang huling episode ng nasabing news program kasama ng iba pang ABS-CBN shows gabi ng May 5, 2020 bunga ng cease-and-desist order ng NTC o National Telecommunications Commission.
Gayunpaman, hindi doon natatapos ang pagtatrabaho ng kanilang mga empleyado.
6:25 P.M. ngayong gabi nagbalik ang TV Patrol sa pagbibigay balita isang araw matapos ang pamamahinga.
Muling magpapatuloy sa pagbabalita ang ABS-CBN gamit ang ibang social media platforms gaya ng Facebook, Twitter, Viber, at YouTube; mobile apps; iWant; ABS-CBN News at ABS-CBN Radio Service; at sa mga cable channel na ANC at Sky on Demand.
Love this article? Sharing is caring!

TV Patrol, nagbabalik na sa pagbabalita
Reviewed by The News Feeder
on
07 May
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...