Agad na sumikat ang kantang 'Bawal lumabas' ng Kapamilya star na si Kim Chiu. Ito ay matapos gawing kanta ng isang DJ ang nag-viral sa social media na classroom quote ng aktres.

Gabi ng Lunes, May 18, nang ilabas ni Kim sa kanyang YouTube channel ang video ng naganap na pag-uusap nila ni DJ Squammy at ni Adrian.


Si DJ Squammy ang utak sa likod ng classroom song na mabilis tinangkilik ng mga netizen at ginawan pa ng choreography samantalang si Adrian naman ang lalaking gumawa ng open letter kay Kim na kumalat din sa social media.

Sa YouTube video, mapapanuod ang naging pag-uusap ng tatlo tungkol sa pinagdaanang pagsubok ng aktres dulot ng pag-bash sa kanya online.

Inamin ng PBB Teens Big Winner na nasaktan sya nung una nyang malaman ang tungkol sa kanta dahil ginawang katawa-tawa ang sentimiento nya sa pagsasara ng kanyang home network.

READ Social Media personality Francis Leo Marcos, inaresto ng NBI

READ Matapos mag-trending, paliwanag ni Kim sa 'classroom' comparison: "Hindi ko din naintindihan"

Gayunpaman, natuwa na raw sya kalaunan dahil instant hit ito at nagbigay kasiyahan sa marami.

Tinanong ng female celebrity si DJ Squammy kung anong naramdaman nya matapos gawing kanta ang mga pahayag ni Chiu at sinagot naman ito ng lalaki.

Paliwanag ng DJ, 50/50 umano ang kanyang naramdaman nang ilabas ang kanta dahil una, maraming napasaya ito at agad pang naging dance craze; ngunit pangalawa, may masama ding naging epekto ang kanta dahil sa pag-bash din umano sa kanya ng ilang netizen.

Nagtapos ang usapan ng tatlo nang magkasundo silang buuin ang kanta sa pamamagitan ng paglapat ng lyrics dito ni Adrian at ng beat naman mula kay DJ Squammy.

Sa dulong bahagi ng video (timestamp 30:20), mapapanuod ang binuong kanta ng tatlo na naging makabuluhan at napapanahon.

READ Bawal lumabas! Harry Roque, may mensahe sa mallgoers gamit ang classroom quote ni Kim Chiu

READ Social Media personality Francis Leo Marcos, inaresto ng NBI




Tila isa ito sa mga hakbang ng aktres para bumangon mula sa pagkakadapa. Banggit ni Kim sa video, para umano syang nadapa at tinapak-tapakan pa nang umani sya ng kritisismo kasunod ng mga sinabi sa Laban Kapamilya online protest.

READ Arnold Clavio, nagkomento sa maƱanita ni NCRPO chief gamit ang classroom ni Kim Chiu

Nabuo ang trending na classroom quote ni Chiu nang maghayag ng saloobin ang dalaga tungkol sa nangyaring pagsasara ng ABS-CBN ayon sa itinakda ng NTC o National Telecommunications Commission.

READ Social Media personality Francis Leo Marcos, inaresto ng NBI

Saad ng PBB Teens Big Winner, "Sa classroom, may batas. Bawal lumabas. O, bawal lumabas, pero pag sinabi, pag nag-comply ka na bawal lumabas. Pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo yung law ng classroom niyo at sinubmit mo uli, ay puwede na pala ikaw lumabas."

READ Reaksyon ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN shutdown, labis na hinangaan ng mga netizen


Love this article? Sharing is caring!

Tapos na ang kanta! Kim Chiu, kinausap ang lalaking ginawang kanta ang viral classroom quote Tapos na ang kanta! Kim Chiu, kinausap ang lalaking ginawang kanta ang viral classroom quote Reviewed by The News Feeder on 19 May Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.