Sa gitna ng pandemya, sumulpot ang sangkaterbang seashells sa baybayin ng Boracay.
Bagaman nakakagulat, namangha ang maraming netizen sa pambihirang tanawin na nasaksihan nila sa dalampasigan ng Boracay mula sa mga larawan na in-upload sa social media ni Toti Arcibal Saluna.
Ayon sa isang ulat, sinabi umano ng photo uploader na first time nyang makakita ng ganitong pangyayari sa kabila ng pagiging residente doon.
Kinumpirma naman ng marine biologist ng City Environment and Natural Resources Office of Boracay na si Haron Deo Vargas na ito nga ang unang pagkakataon na nangyari ito.
Paliwanag nya, “Siguro may nag-gather sa area ng scallops then tinapon lang ang shells. Siguro may nag-hunt doon ng scallops sa ilalim mismo ng dagat, napabayaan ang shell then na-ano, nadala ng alon,”
Dagdag pa ni Vargas, maaaring ang mga ito ay sabay-sabay na namatay habang nasa decomposition stage.
“Siguro isa din sa possibility is siguro ang mga shells, sabay-sabay na namatay sa ilalim during ng decomposition stage nila, ‘yung soft part ng shell, kinain ng isda,” aniya.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
Love this article? Sharing is caring!

Sangkaterbang seashells, lumutang sa Boracay seashore
Reviewed by The News Feeder
on
29 May
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...