Kilala ang aktor na si Richard Gomez, ngayon ay isa nang Ormoc City Mayor, bilang isa sa mga unang solid kapamilya artists nang magsimula sya sa dating ABS-CBN TV show na Palibhasa Lalake.

Nitong Huwebes, May 7, nakapanayam ang batikang aktor sa news program ng PTV4 na Laging Handa PH na pinangungunahan ni PCOO Secretary Martin Andanar at kanyang Undersecretary na si Rocky Ignacio.


Sa naturang programa, natanong si Mayor Gomez tungkol sa kanyang opinyon sa nangyaring pag-shutdown sa Channel 2 kasunod ng cease-and-desist order mula sa NTC.

Sagot ni Richard habang natatawa, "Naku, Usec. Rocky, baka mas maganda yata kayo ang sasagot nyan dahil kayo ang nasa gobyerno na nagpahinto sa pag-broadcast ng ABS-CBN."

Ngunit pagpapatuloy nya, umaasa syang pansamantala lamang ang pagsasara ng nasabing network.

"Pero ang akin naman, ang take ko dyan, is that, nakakalungkot din isipin na temporary (hopefully) temporary yung pagsara sa ABS-CBN dahil napakarami pong tao na nag-tatrabaho dyan and marami akong mga kaibigan na artistang nag-tatrabaho dyan sa ABS-CBN and hopefully matugunan na or kahit provisionary lang yung ibibigay sa kanila na pag-operate sa prangkisa nila nang sa ganun ay ang ABS-CBN ay muling makapag-ere." paglalahad ng actor-turned-politician.

Panuorin dito:



Love this article? Sharing is caring!

Richard Gomez, may kontrobersyal na sagot ng tanungin tungkol sa ABS-CBN shutdown Richard Gomez, may kontrobersyal na sagot ng tanungin tungkol sa ABS-CBN shutdown Reviewed by The News Feeder on 07 May Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.