Usap-usapan muli sa social media ang aktres na si Mystica matapos ang kanyang pamumuna sa ginawang pagtulong ng Kapamilya comedienne na si Pokwang.

Kabilang si Pokwang sa mga hanay ng dumaraming celebrities na nagpapaabot ng tulong sa frontliners tulad na lamang ni Angel Locsin at Bea Alonzo.


Bilang pasasalamat sa magigiting na frontliners gaya ng mga sundalo at health care workers, ang pagbibigay ng pagkain sa kanila ay isa lamang sa mga paraan ng mga nasabing artista upang ipakita ang kanilang suporta.

Gayunpaman, sa kabila ng kanilang kabutihang loob ay may nasasabi pa rin ang ilan dito tulad ni Mystica. 
Sa isang video ng aktres, mapapanuod itong nagmumura habang naghahayag ng saloobin tungkol sa ginawa ng komedyante.

Aniya, "Si Pokwang, namigay na rin lang siya ng pagkain, namigay na rin lang siya ng tulong, hindi pa niya tinulungan yung mga taong hirap na hirap na dun na walang makain. Mas binigyan niya ng tulong, ng pagkain, etong yung dun naka-assign at may trabaho. Ano yun?" 
"Kung ikaw din lang tutulong ka, dun ka na sa mga taong walang makain." 

"Hindi yung dun sa mga taong may makain, at may sweldo, at may trabaho." saad pa ni Mystica.

Bago sya magsimulang magkomento kay Pokwang, sinabi nito na wala raw nagba-bash sa kanya sa kasalukuyan kaya dapat raw syang gumawa ng paraan para ma-bash.


READ Trip lang? Vlogger, nagkansela ng online order worth P1k+ dahil magpa-pancit canton na lang daw


Love this article? Sharing is caring!

Pinagmumura! Mystica, galit na galit sa pagtulong ni Pokwang sa "may sahod" imbes na sa mahihirap Pinagmumura! Mystica, galit na galit sa pagtulong ni Pokwang sa "may sahod" imbes na sa mahihirap Reviewed by The News Feeder on 12:47 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.