Inilahad ni Philippine Red Cross Chairman at CEO Sen. Richard Gordon ang mga dahilan kung bakit naagapan ng Vietnam ang mabilis na pagkalat ng C0VID-19 sa kanilang bansa.

Dahil sa agarang pag-aksyon ng Vietnam laban sa C0VID-19 sa kabila ng pagiging maliit na bansa, marami ang bumilib sa kanila gaya na lamang ng broadcaster na si Henry Omaga Diaz.


Sa radio program na Lingkod Aksyon ng Teleradyo na pinangungunahan ni Diaz at Sen. Dick Gordon, tinalakay nila ang mga ginagawang pagresponde ng bansa, partikular na ang Philippine Red Cross, laban sa nakahahawang sakit.

Vietnam vs. Other countries

Sa isang bahagi ng kanilang usapan, may itinanong si Diaz sa kanilang nakapanayam na si Patrick Elliot, acting country head ng International Federation of Red Cross and Red Crescent society.

Tanong ng ABS-CBN journalist kay Elliot, "In your assessment, how did (sic) Vietnam able to control its virus, the C0VID-19 situation compared to other countries since that Vietnam has been able to control the virus and other countries did not?"

Tugon ni Elliot, iba-iba ang naging pagresponde ng mga bansa kagaya ng iba-iba din ang naging pagsulpot ng kller virus sa kanya-kanyang bansa.

Sagot nya, "Every country has a unique contacts and unique response,"

"There's a lot of context involve in this,"

"So Vietnam have done very well in how they control their system and their quarantine. I'm not sure exactly of the deets (details), maybe they responded quickly as Philippines did," sambit ng red cross official.

Sa puntong iyon, nagsalita na ang Philippine Red Cross Chairman at CEO para mas maipaliwanag kay Diaz ang pagkakaiba.

Bakit nauna ang Vietnam sa Pilipinas?

Aniya, "Ang Vietnam nakahanda sila dahil meron silang 110 laboratories kaagad that can perform real-time PCR (polymerase chain reaction) testing,"

"Nakahanda sila ng PCR with the capacity of 27,000 samples per day so umpisang umpisa pa lang they could handle 27,000 samples per day. Eh naunahan nila 'yung C0VID,"

"Tayo, eh marami tayong problema, nagkaron tayo ng polio, meron tayong measles, meron tayong dengue, tapos ang focus natin biglang napunta sa C0VID. Dun ko nakita, talagang nakahubad tayo dahil wala tayo nung automated machines," paliwanag ni Gordon.

Isyu sa budget

Muling nagtanong si Diaz ukol naman sa kakayanan ng isang bansa sa pagresponde sa sitwasyon gaya ng sa kasalukuyang pandemya na nakadepende sa pera o budget ng pamahalaan.

"Ibig sabihin merong pera ang Vietnam. Mas mayaman pa tayo sa Vietnam eh." saad ni Diaz.

"Pero mas marami silang foreign direct investments at nakaumang kaagad 'yung kanila (C0VID response). Alam nila na tabi nila 'yung China." agad na sagot ni Gordon.

"Pag katabi mo ang China humanda ka dahil ang China, from time to time they have big pandemics or epidemics. Mahina 'yung 10,000 na namamatay sa China or 20,000." pagpapatuloy nya.

"Talagang ang history ng China, pagka katabi mo, mag-ingat ka! Kailangan may handa ka. Eh tayo tatawid pa sila ng dagat eh." dagdag pa ng Red Cross Chairman ng bansa.

READ Pinagmumura! Mystica, galit na galit sa pagtulong ni Pokwang sa "may sahod" imbes na sa mahihirap

Panuorin dito:



Love this article? Sharing is caring!

Gordon, isiniwalat kung bakit nauna ang Vietnam sa Pinas ma-contain ang C0VID-19 Gordon, isiniwalat kung bakit nauna ang Vietnam sa Pinas ma-contain ang C0VID-19 Reviewed by The News Feeder on 24 May Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.