Ilang buwan matapos ang hamon ng Showtime host na si Vice Ganda kay Pastor Quiboloy, may matinding mensahe ang pastor sa komedyante.
Noong May 19, sa programang Powerline sa Sonshine Media International Network ng self-proclaimed son of God na si Pastor Quiboloy, inalala nya ang nangyaring paghamon sa kanya ng TV host sa It’s Showtime.
"Nalulungkot ka, Vice, nalulungkot ka sapagkat hindi mo mapigilang umiyak dahil wala na yung mga programa niyo?
"Alalahanin mo, naghamon ka, hinamon mo ako noon.
"Ang saya-saya niyo noon. Naghahalakhakan kayo.
"Meron pang isang kasamahan mo na lalaki, pati ngala-ngala niya, nakita ko sa katatawa, e. Halos mabali ang leeg niya." pagbabahagi ng pastor.
JUSTICE IS SERVED
Ayon sa kanya, "hustisya" mula sa Diyos ang kasalukuyang pinagdaraanan ng ABS-CBN kung saan nagta-trabaho si Vice.
“Iyan ang sinabi ko sa inyo, ang kayabangan, nakikita ng Diyos ‘yan.
"Kapag binigyan kayo ng pabor sa buhay, huwag kayong ganoon.
“O ngayon, nakita mo na, may Diyos sa langit, tapos nakita mo na Siya ang tumitimbang sa lahat ng mga tao dito sa lupa kung ano ang ginagawa nila.
"Hustisya ang Diyos, Vice Ganda, hustisya." paglalahad ng pastor.
ISANG PROPESIYA?
Sariling propesiya umano ng komedyante ang nangyayari sa kasalukuyan.
"Kasi yung lahat ng pinagsasabi mo, puro imposible.
"'Sige nga, Quiboloy, punta ka sa EDSA, pahintuin mo ang traffic. Sige nga, Quiboloy, pahintuin mo ang Probinsyano. Abangan…si Quiboloy lang ang makakapagpahinto sa Probinsyano.'"
"Nag-prophesize ka, Vice.
"O ngayon, wala na yung programa mo, wala na yung network mo. Malinis na ang EDSA.
"Dapat masaya ka sapagkat natupad ang lahat ng hamon na ginawa mo." aniya.
March 15, 2020 nang magsimulang mawala ang mabigat na traffic sa EDSA bunsod ng umiiral na lockdown sa kalakhang Maynila.
May 5, 2020, naman nang mawala ang Ang Probinsyano sa ere kasunod ng pagpapasara sa ABS-CBN ng National Telecommunications Commission (NTC).
KARMA IS REAL
Sabi pa ni Quiboloy kay Vice, "Ngayon, naniniwala ka na, karma is real.
"O, bumalik sa 'yo, di ba, at ngayon, umiiyak ka.
"O, bakit hindi kayo humahalakhak?
"Nasaan na yung pati ngala-ngala niya, nakita kong humahalakhak, kasama din nung mataba din na babae na parang maskara ang mukha dahil sa make-up?" tanong nya sa komedyante.
Sa puntong iyon, inamin ni Quiboloy na may kagaspangan din daw ang ugali niya noon, noong hindi pa raw siya appointed son of God.
BIRO NA NAGKATOTOO
Maaalalang Oktubre ng nakaraang taon ng hamunin ni Vice Ganda on live TV si Pastor Quiboloy kasunod ng mga pahayag nya tungkol sa naganap na lindol.
Sa kanyang programa, sinabi ni Quiboloy na huminto ang malakas na lindol sa Cotabato matapos nyang sabihin na "stop".
Kwento nya, "Nung lumindol ng 6.6 nandoon ako kahapon, nandoon ako sa kwarto ko, sabi ko 'lindol stop!', um-stop!"
Dahil dito, naging tampulan ng tawanan sa Showtime ang sinabi ng pastor matapos pag-usapan doon ang patuloy na pamamayagpag ng teleseryeng Ang Probinsyano kung saan hindi namamatay ang bida na si Cardo (played by Coco Martin).
“Alam mo kung sino lang ang pinakamatinding magiging kalaban ni Cardo?” tanong ni Vice.
“Sino?” tanong ni Jhong.
“Naku, kabahan si Cardo!
“Ang pinakakalaban ni Cardo, feeling ko, si Quiboloy. Yung nagpahinto ng lindol. Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng Probinsyano, abangan n’yo ‘yan.
“So ano, hinahamon kita Quiboloy, ipahinto mo nga ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol, e.
“Apakayabang n’yo pala e!
“Sabi nya daw 'stop!' Sige nga, punta ka ngang gitna ng EDSA, stop mo 'yung trapik don?” paghahamon ni Vice habang tawang-tawa.
Love this article? Sharing is caring!

Pastor Quiboloy to Vice Ganda: KARMA IS REAL
Reviewed by The News Feeder
on
24 May
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...