Matapos ang pag-iyak ng aktres na si Sharon Cuneta sa kanyang naging Instagram live kasunod ng pagsasara ng ABS-CBN, ay ang pagsulat ng open letter ng isang OFW sa Megastar sa pamamagitan ng isang Facebook post.
Sa liham ni Joe Smith Medina, isang OFW na ngayon ay nakabase sa Thailand, inilahad nya ang kanyang saloobin tungkol sa ginawa ng Kapamilya star.
Umapela din si Medina kay Cuneta tungkol sa sinabi ng aktres na "Can you imagine our country without ABS-CBN? I cannot."
Saad ng OFW sa Megastar, "Sana ang sinabi ninyo "Maiisip mo ba ang bansang Pilipinas kung walang Rule of law?", o "Maiisip mo ba ang Pilipinas kung walang gobyerno?", " Maiisip mo ba ang Pilipinas kung walang takot sa Diyos?" yan po ang ka tanggap tanggap."
Dagdag pa nya, "Megastar, move on na po kayo, hindi na po panahon ng No one is above Dilaw ngayon dahil may Batas na napinapairal."
Sa pagpapatuloy ng binata, binanggit rin nito ang politician na asawa ng aktres.
"Tanungin din ninyo ang asawa ninyo ni Senador Francis Pangilinan, malapit sya kay Speaker Belmonte bakit hindi inactionyunan noong 2014 at 2015 Congress pa lamang. Makasama sila sa Liberal at malapit din kayo kay Presidente NOYNOY Aquino. Huwag ninyo sisihin si Speaker Cayetano. Ang NTC ay nag execute lang ng kanilang trabaho bilang lingkod bayan." aniya.
READ Reaksyon ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN shutdown, labis na hinangaan ng mga netizen
Basahin ang buong open letter:
Dear Megastar Sharon Cuneta,
Paboritong paborito po kayo ng aking mama. Halos lahat ng pelikula, musica, love life ninyo ni Gabby Concepcion tinutukan niya. At ako nanood ng mga pelikula ninyo, kaya naman noon may natitira pa akong respeto maski asawa ninyo si Senator Kiko Pangilinan pero nawala na ngayon dahil nainsulto ang ibang Pilipino na nabubuhay na Hindi umaasa sa ABS CBN. Alam ko din na Hindi sasama ang loob ni Mama, dahil between showbiz at prinsipyo mas mananaig sa akin ang prinsipyo.
Aaminin ko din po, nanonood ako ng ABS CBN shows tulad ng GGV, ANC, Rated K, AT ASAP pero nung umalis ako ng bansa, kaya po pala mabuhay ng Pilipino na walang ABS CBN. Nanood ako ng ibang shows mas madami ako natutunan at lalo ako nag isip about sa realidad ng mundo na Hindi pala Telenovela ang buhay ng Pilipino. Huwag ninyo po ipasok sa isip ng tao na hindi kaya dahil kaya po. At hindi naman kayo nawala talaga, ang nawala lang ay Airwave ninyo pero damang dama pa din namin ang presence ng ABS CBN.
Nakaya ninyo po na mawala sa ABS CBN at lumipat sa TV5 sa loob ng 2 taon, at kayo ay Nabuhay. Kaming mga ordinaryong mamamayan po na may kanya kanyang pinagkakakitaan ay patuloy ding mabubuhay.
Sana ang sinabi ninyo "Maiisip mo ba ang bansang Pilipinas kung walang Rule of law?", o "Maiisip mo ba ang Pilipinas kung walang gobyerno?", " Maiisip mo ba ang Pilipinas kung walang takot sa Diyos?" yan po ang ka tanggap tanggap.
Megastar, move on na po kayo, hindi na po panahon ng No one is above Dilaw ngayon dahil may Batas na napinapairal.
Tanungin din ninyo ang asawa ninyo ni Senador Francis Pangilinan, malapit sya kay Speaker Belmonte bakit hindi inactionyunan noong 2014 at 2015 Congress pa lamang. Makasama sila sa Liberal at malapit din kayo kay Presidente NOYNOY Aquino. Huwag ninyo sisihin si Speaker Cayetano. Ang NTC ay nag execute lang ng kanilang trabaho bilang lingkod bayan.
Ibalik ninyo sa Management ng ABS CBN, kina Speaker Belmonte noong 2014 Congress bakit ayaw ng aprubhan ng Kamara ang License ng ABS CBN.
Megastar, bigyan ninyo na po ng laya ang bawat Pilipino na nakatali sa isang monopolyo ng impormasyon, isang TV network dahil madaming uusbong na mas magandang makakapag bigay ng mataas na standard.
Mabubuhay po ang Pilipino basta andyan ang gobyerno, rule of law at bawat isa may takot sa Diyos.
Maraming Salamat po,
JSM
Love this article? Sharing is caring!

OFW to Sharon: "Megastar, move on na po kayo, hindi na po panahon ng No one is above Dilaw"
Reviewed by The News Feeder
on
08 May
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...