Naalarma ang mga netizen sa latest post ng ABS-CBN TV host na si Bianca Gonzalez.
Isa si Bianca Gonzalez sa mga artistang nakiisa sa online protest ng Kapamilya artists kaugnay ng naganap na pag-shutdown sa ABS-CBN network.
Sa kanyang Instagram post, makikita ang larawan ni Gonzales na nakasuot ng kulay asul na damit habang nakalagay ang kamao sa dibdib kalakip ng caption na "#LabanKapamilya ❤💚💙👊🏼".
Marami ang nagulat sa larawan ng female TV host dahil umano sa nakakapag-alalang kapayatan nito.
Bunsod nito, nag-iwan ng comment si Gonzales sa naturang post para i-address ang dumaraming netizen na mas pinagtuonan ng pansin ang kanyang katawan kaysa sa punto ng kanyang IG post.
Aniya, "Not sure what is worse: being fat-shamed or being skinny-shamed. 🤔 Kapag itsura mo na ang tinitira nila, maawa ka nalang sa kanila, kasi humantong na sila sa ganung kababang lebel para lang sayo. Sa lahat ng mga nag-komento na maayos at may respeto, agree man o hindi sa post, sana'y dumami pa and tulad ninyo. 🙌"
READ Reaksyon ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN shutdown, labis na hinangaan ng mga netizen
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
"Ur so skinny db dapat tumaba kc lockdown..not too busy at ur work"
"Parang kawawa pa kayo sa tricyle driver maam na walang pasada"
"Gusto mo ng vitamins? Bigyan kita! HAHAHA"
"Pataba po kyo nakakatanda sa inyo po mas bagay may laman po kayo"
"Eat some cake you are looking sick these days @iamsuperbianca"
"Ang payat mo dito biancs hehe"
"Ang skinny mo na miss Bianca. But still maganda parin 😍"
"For me you're one of the prettiest faces in the industry. I just hope and pray that you gain a little more weight."
READ Reaksyon ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN shutdown, labis na hinangaan ng mga netizen
Sumikat si Gonzales sa reality show ng Kapamilya network na Pinoy Big Brother.
Love this article? Sharing is caring!

Netizens, nagulantang sa bagong social media post ng ABS-CBN artist na si Bianca Gonzalez
Reviewed by The News Feeder
on
10 May
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...