Humingi ng pasensya ang Kapamilya star na si Kim Chiu kasunod ng ilan sa kanyang mga naging pahayag sa online protest ng ABS-CBN na 'Laban Kapamilya'.

Sa nasabing protesta, kinondena ng ABS-CBN artists ang naging desisyon ng National Telecommunications Commission na pagpapasara sa naturang network.


May 8 nang mag-trending ang aktres dahil sa sinabi nito sa kanyang Facebook live.

Naging kontrobersyal ang statement ng PBB Teens grand winner nang ihalintulad nya sa classroom ang nangyaring shutdown sa Channel 2.

Saad ni Kim, "Sa classroom, may batas. Bawal lumabas. O, bawal lumabas, pero pag sinabi, pag nag-comply ka na bawal lumabas. Pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo yung law ng classroom niyo at sinubmit mo uli, ay puwede na pala ikaw lumabas."

Bunga nito, umani ng batikos si Chiu dahil sa hindi malinaw na paliwanag sa kanyang punto.

Matapos mag-trendig ay agad naman syang humingi ng paumanhin kinabukasan, May 9, dahil ayon sa kanya, mismong sya ay hindi rin daw naintindihan ang kanyang mga pinagsasabi sa comparison na ginawa nya.

READ Reaksyon ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN shutdown, labis na hinangaan ng mga netizen

Narito ang kanyang mga pahayag:

“Maraming salamat sa lahat ng nakinig at umunawa sa amin kagabi. Thank you for choosing kindness, empathy and compassion! Maraming salamat po.

"Sa sinabi tungkol sa 'classroom,' nung binasa ko, hindi ko din naintindihan. Haha pareho lang tayo!

"Parang pagpapasara lang ng NTC sa ABS, di maintindihan. Okay po. Sensya na! Nadala lang ng bugso ng damdamin.

“Sa dami ng sinabi ko, yun lang talaga ang napansin niyo? Kahit ano pa man ang sabihin niyo, OKAY LANG PO basta #LABANKAPAMILYA,” 


Love this article? Sharing is caring!

Matapos mag-trending, paliwanag ni Kim sa 'classroom' comparison: "Hindi ko din naintindihan" Matapos mag-trending, paliwanag ni Kim sa 'classroom' comparison: "Hindi ko din naintindihan" Reviewed by The News Feeder on 10 May Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.