Maaari nang gumawa ng kanya-kanyang ID o identification card ang mga taong self-employed para sa kanilang mga byahe na may kinalaman sa kanilang trabaho.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang press briefing noong Miyerkules.


Sinabi ni Roque ang pahayag kasunod ng anunsyong pag-transition ng iba't-ibang bahagi ng bansa sa mas maluwag na quarantine protocols simula sa Sabado.

"Unfortunately, dahil nga po ang pag-travel from GCQ (general community quarantine) to ECQ (enhanced community quarantine) is only for industries na allowed, kinakailangan po talaga ng identification card," aniya.

Dagdag pa ni Roque, para sa mga self-employed, maaari silang gumawa ng sarili nilang ID card na syang ipiprisinta nila sa checkpoints para sila makalusot.

READ Babae, arestado matapos makipagtalo sa mga pulis at lumabag sa 'hard lockdown'

"Sa mga self-employed, puwede naman silang gumawa ng card nila at ipakita nila kung ano talaga ang gagawin nila at saang industriya iyon," paliwanag ng Presidential Spokesman.

Binigyang diin din ni Roque na tanging ang mga workers na papayagan ay 'yung mga may byaheng job-related lamang.

"'Yung mga allowed po magtrabaho sa iba't-ibang quarantine areas, they will be allowed provided that they are working in an industry that is allowed to operate," ani Roque.

READ Harry Roque, binalikan si Coco Martin sa sinabi nya laban sa pamahalaan


Love this article? Sharing is caring!

Malacañang, papayagan ang mga self-employed na gumawa ng sariling ID para sa work travel Malacañang, papayagan ang mga self-employed na gumawa ng sariling ID para sa work travel Reviewed by The News Feeder on 14 May Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.