Miyerkules, May 20, nang sabihin ni Health Secretary Francisco Duque III sa isang Senate hearing na ang Pilipinas ay kasalukuyan nang nasa second wave.
Agad itong kumalat sa social media dahil ikinagulat ng marami ang naturang pahayag ng nasabing kalihim.
Subalit sa naganap na Thursday virtual presser ni Presidential Spokesperson Harry Roque, humingi ng paumanhin ang tagapagsalita sa nasabi ni Duque.
Gamit ang nakalap na datos mula sa health experts, ipinaliwanag nya ang pagpapatuloy ng first wave sa bansa na bagaman hindi pa patuloy na na-flatten ang curve, ay aniya unti-unti nang bumababa.
Gayunpaman, hindi umano kinokonsidera ni Roque na pagkakamali ang nagawa ni Duque kundi kakaibang opinyon lamang.
"Alam nyo po ang medisina, para ring mga abogado yan. Iisa lang ang batas namin, iba-iba ang interpretasyon." saad ng Spokesperson.
Dagdag pa nya "Ganyan din po siguro sa medisina no? Iisa ang siyensya, iisa ang datos, iba ang basa."
Ang naging pahayag ng DOH secretary ukol sa second wave ay umani ng batikos online bunsod ng pagkalito at alarmang idinulot nito.
Love this article? Sharing is caring!

First wave pa din! Malacañang, nag-sorry sa 'second wave' ni Duque
Reviewed by The News Feeder
on
21 May
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...