Kabilang ang aktor na si Daniel Padilla sa mga artistang nakiisa sa online protest ng Kapamilya artists laban sa naging desisyon ng NTC na ipasara ang ABS-CBN network.

Sa gitna ng salu-salungat na opinyon ng publiko hinggil sa nangyari, may maikli ngunit malalim na tila isang babala ang binitawan ng sikat na aktor.


Aniya, “Sa mga kaibigan, kamag-anak at kakilala ko dito na ginagawang katatawanan ang nangyayari sa ngayon sa ABS-CBN, ‘wag kayong mag-alala dahil hindi ako nakakalimot,” 

Sumang-ayon naman dito ang nanay nyang si Karla Estrada at sinabing, 

“Oo ako rin anak! Bilog ang mundo at lahat ay lumilipas. Nakikita ni LORD lahat ‘yan,” sey ni Karla.

“Nakakakilabot.. nag bubunyi ang mga TAO na KINAIN na ng INGGIT at kawalan ng simpatya sa kapwa.

“Sa gitna ng crisis ng Covid 19 tila lalo lang nalugmok ang karamihan. Pero hindi tayo dapat na mag alala dahil Walang Masamang Layunin na nag tatagumpay.

“Yakap para sayo na Tunay na nagmamahal sa BAYANG PILIPINAS,” sabi pa ni Karla.
Source: Inquirer


Love this article? Sharing is caring!

Magkakaalaman na! Daniel Padilla, may matinding babala kasunod ng ABS-CBN shutdown Magkakaalaman na! Daniel Padilla, may matinding babala kasunod ng ABS-CBN shutdown Reviewed by The News Feeder on 10:56 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.