Sa gitna ng pandemya, nakuha pang ipagkait ng isang nagpapaupa ang maayos na tirahan sa tenant nyang buntis matapos nyang tanggalan ng bubong ang inuupahan nito dahil umano sa kawalan ng pambayad.
Ito ang inilahad ng netizen na nag-upload ng dalawang video sa Facebook kaugnay ng naganap na pagtatanggal ng bubong.
Sa video na tila kuha ng mga kapitbahay nila, makikita ang isang pamilya na nagmamadaling iligpit ang kanilang mga gamit para hindi ito mabasa nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
READ Trip lang? Vlogger, nagkansela ng online order worth P1k+ dahil magpa-pancit canton na lang daw
Sa isa pang video, mapapanuod naman ang ginawang pagbabaklas ng bubong sa bahay na pinauupahan.
Saad ng isa sa mga kumuha ng video, "Ayan po ang nangyayari ngayon dito sa loob ng bahay na tinanggalan ng bubong..tinanggalan din ho ng pinto,"
Sa naturang clip, maririnig din ang sinabi na tulong-tulong na lang ang mga kapitbahay nila dahil ang isa sa myembro ng pamilyang nakatira doon ay buntis.
"Tulong-tulong na lang yung mga kapitbahay kasi ang nakatira dito buntis, na-lockdown yung asawa nya at saka 'yung anak nya lang ang kasama rito,"saad ng kumuha ng video.
Maririnig din ang pagkomento ng isang kapitbahay tungkol sa maling pagtrato sa mga nangungupahan.
READ Kahit may C0VID-19: Funeral march, namataan sa EDSA
"Hindi makatao 'yung ginagawa nyo e! Sinabi naman ni Duterte hwag munang maningil e!"
Panuorin dito:
READ Trip lang? Vlogger, nagkansela ng online order worth P1k+ dahil magpa-pancit canton na lang daw
READ Pinagmumura! Mystica, galit na galit sa pagtulong ni Pokwang sa "may sahod" imbes na sa mahihirap
READ Maxene Magalona, ibinahagi sa social media ang pagpunta sa isang clinic dahil sa mental disorder
Love this article? Sharing is caring!

Inuupahang bahay ng buntis, tinanggalan ng bubong at pinto matapos hindi makapagbayad ng renta
Reviewed by The News Feeder
on
23 May
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...