Nakatakas mula sa quarantine facilities ang ilan sa Overseas Filipino Workers ayon sa Philippine Coast Guard.
Linggo, May 17, nang inihayag ni PCG spokesperson Commodore Armand Balilo ang insidente.
“May mga nakatakas sa mga hotel na 'yan at ang masama nito, lumabas ang results na positive sila. Ngayon nandoon na sila sa bahay nila. Nakahalubilo ang pamilya, ‘yung community,” aniya.
Ayon pa kay Balilo, kasalukuyan nang pinaghahanap ng mga otoridad ang mga tumakas na maaaring sampahan ng kaso kaugnay ng paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act.
READ Harry Roque, may mensahe sa mallgoers gamit ang classroom quote ni Kim Chiu
READ Babaeng hindi lumabas ng bahay para hindi tamaan ng sakit, nagpositibo sa C0VID-19
READ Arestado! Tumakas na OFW na nagpositibo sa C0VID-19, natagpuan sa QC
“Iho-hold kung sakali eventually dahil may vina-violate siguro sila dito sa Heal as One protocol. May balak po na sampahan ng kaso. Iimbestigahan po namin kung sino ‘yung mga kasabwat nitong tumakas na hotel personalities,” saad ng PCG spokesperson.
Panawagan ni Balilo sa OFWs, habaan ang kanilang pasensya habang nag-aantay sa kanilang test results.
Dagdag pa nya, kaagapay ang Bureau of Quarantine, ginagawa ng PCG ang lahat para mapabilis ang paglabas ng mga resulta.
Ilan sa mga stranded OFWs ang nagrereklamo na dulot ng patuloy nilang paglalagi quarantine facilities na lagpas na raw sa 14-day quarantine.
Inamin naman ng PCG ang delay sa proseso dahil Philippine Red Cross din umano ang nag-aasikaso ng PCR-based tests para sa LGUs o local government units.
READ Arestado! Tumakas na OFW na nagpositibo sa C0VID-19, natagpuan sa QC
READ Babaeng hindi lumabas ng bahay para hindi tamaan ng sakit, nagpositibo sa C0VID-19
READ Harry Roque, may mensahe sa mallgoers gamit ang classroom quote ni Kim Chiu
Love this article? Sharing is caring!

Ilang OFW na nagpositibo sa C0VID-19, tumakas sa quarantine facilities
Reviewed by The News Feeder
on
17 May
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...