Maging ang Presidential Spokesperson na si Harry Roque ay hindi rin nagpahuli sa sumikat na classroom quote ng Kapamilya artist na si Kim Chiu.
Monday, May 18, nang muling magbigay ng paalala sa publiko si Roque kaugnay ng pag-iingat ng lahat matapos luwagan ang panuntunan ng lockdown sa iba't-ibang panig ng bansa.
Sa naganap na Press Briefing, nagkomento ang Presidential Spokesperson sa naging pagdagsa ng mga tao sa labas.
"Ano pong nangyari 'nung araw ng Sabado? Dinagsa po ang mga malls. Parang nawala na ang katunayan na nandyan pa ang C0VID-19." saad ni Roque.
READ Babaeng hindi lumabas ng bahay para hindi tamaan ng sakit, nagpositibo sa C0VID-19
Dagdag pa nya, "Wala na pong physical distancing. Meron pa ngang nagtutulakan. Pag ganyan po tayo ng ganyan, lahat ay mabibigyan, hindi ng ayuda, kung hindi ng C0VID-19."
Binigyang diin ng naturang tagapagsalita na bagama't lumuwag na ang quarantine protocols, ay hindi pa rin ligtas lumabas.
Sa puntong iyon, nagpatuloy sa pagpapaalala si Roque gamit ang sumikat na classroom quote ng aktres na si Kim Chiu.
Aniya, "Sabi nga ng isang nag-viral na post at alam ko naman kilala nyo kung sino sya, "Bawal lumabas! Pero kapag nag-comply ka at inayos ninyo mag-obserba ng proper hygiene tulad ng paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask or face shield, at pagsunod sa social distancing at iba pang health protocols, mapapa-flatten natin ang curve at 'yung bawal lumabas ay magiging pwede nang lumabas.""
READ Babaeng hindi lumabas ng bahay para hindi tamaan ng sakit, nagpositibo sa C0VID-19
READ Harry Roque, binalikan si Coco Martin sa sinabi nya laban sa pamahalaan
Ayon pa sa Presidential Spokesperson, para umanong nakawala sa kural ang mga tao matapos ang dalawang buwan ng mahigpit na pagpapatupad ng enchanced community quarantine.
READ Harry Roque, binalikan si Coco Martin sa sinabi nya laban sa pamahalaan
Love this article? Sharing is caring!

Harry Roque, may mensahe sa mallgoers gamit ang classroom quote ni Kim Chiu
Reviewed by The News Feeder
on
18 May
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...