Sinagot ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga matatapang na pahayag ng aktor na si Coco Martin kasunod ng pagsasara ng ABS-CBN.
Deretsahang sumagot ang Presidential Spokesperson, na isa ring human rights lawyer, nang hingin ang kanyang reaksyon patungkol sa walang takot na mga pahayag ng Ang Probinsyano star.
Kamakailan lamang, tila kwinestyon ni Coco ang naging hakbang ng pamahalaan nang ipasara nito ang ABS-CBN habang kabaliktaran umano ang trato nito sa POGO o Philippine Offshore Gaming Operator.
“Ano ang uunahin natin ngayon? Tanggalin ang kompanya na tumutulong sa ating kapwa, sa lahat ng mga Pilipino, o yung sugal na pinapasok sa ating bansa?” saad nya.
“Buti pa yung POGO, pinaglalaban niyo. Itong kompanyang tumutulong sa lahat ng mga tao ngayon, pinasara niyo,” dagdag pa nya.
Sagot ni Roque, “Well, alam niyo po, yan naman po ay nagpapatunay na buhay ang demokrasya sa Pilipinas. Merong malayang pananalita at wala pong sumusupil sa kalayaan ni Coco Martin na magsalita,” he began.
Ngunit ayon sa matapang na human rights lawyer, hindi naman ata tama ang naging pagkukumpara ng aktor sa sinapit ng kanyang home network at sa POGO sa bansa.
“Pero parang di tama yung comparison between ABS-CBN and ang mga POGO dahil unlike yung mga broadcast companies, wala pong probisyon sa saligang batas kung sinong pupwede magbigay ng authority para mag-operate ang POGO,” paliwanag ni Roque.
READ Netizens, nagulantang sa bagong social media post ng ABS-CBN artist na si Bianca Gonzalez
READ Magkakaalaman na! Daniel Padilla, may matinding babala kasunod ng ABS-CBN shutdown
Love this article? Sharing is caring!

Harry Roque, binalikan si Coco Martin sa sinabi nya laban sa pamahalaan
Reviewed by The News Feeder
on
11 May
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...