Ilang araw matapos ang maanghang na mga pahayag ni Coco Martin laban sa ginawang pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN, nagsalita na ang isang dating cameraman na nakatrabaho umano ng aktor sa Kapamilya network.

Sa kanyang video na in-upload sa Facebook, tahasang ibinahagi ng former Channel 2 cameraman na si Journalie Payonan ang malungkot na sinapit nya sa pagta-trabaho sa naturang TV station.


Ayon sa kanya, naging empleyado sya ng ABS-CBN mula 1997 hanggang 2002. Sa tinagal-tagal nya umano sa nasabing kumpanya ay hindi sya na-regular kasama ng maraming iba pa.

"Bago po ako nagdemanda ng 2002, nilapitan ko yan sila Noli de Castro, Ted Failon. Sila po yung mga, kumbaga nagpaalam ako, nag-abiso ako na, 'Sir tulungan niyo po ako kasi magfa-file po ako ng case kasi hindi pa po ako nare-regular," paglalahad nya.

Nanalo umano sila sa kaso sa Court of Appeals noong 2010. Sa kaparehong taon, inalok na sila ng kontrata subalit kalaunan ay pwersahan ding inalis.

"Sapilitan kaming tinanggal." saad ni Payonan.

Pagpapatuloy nya,

"Ano ang pinagiba namin na 100+ kaming illegal na tinanggal?

"Pinakain sa magagarang hotel, at pagkatapos pinakain, mabusog. Ang iba nagbihis pa, talagang nagtodo postura pa dahil akala nila "wow parang promotion 'to."

"Pagdating sa hotel, pagkatapos kumain, nagtataka siya bakit may mga security guard sa mga gilid, biglang ito, lalatagan siya, "sorry wala ka na sa kumpanya."

"Tama ba yun? 2005, 300+ na manggagawa diyan sa ABS ang ilegal niyong tinanggal."

Sa puntong 'yon, nagbigay sya ng mensahe sa mga artistang sukdulan kung ipaglaban ang Kapamilya network.

"Ngayon, Coco Martin, Kim Chiu, at iba pang mga artista. Nung panahon na yan, alam niyo na kami ay ilegal na tinanggal, asan kayo?

"Nasaan kayo? Ganun din ang panawagan ko sa mga direktor diyan at sa mga kapwa kong manggagawa diyan sa loob, nasan kayo?

"Alam mo Coco, ang mabigat kasi sayo, ang dami mong sinasabi na ganto. Alam mo, para kang bata.

 "Para kang manok na naglilimlim, binugaw, nagtatakbo, putak ng putak ng hindi mo alam ang sinasabi mo. Dapat bago ka magsalita, tinimbang mo muna lahat.

"Sa panahon na ito, hindi lang ikaw ang apektado't walang trabaho. Wag mo idamay yun buong mamamayan, wag mo idamay. Lahat tayo eh, tulad ako, wala nga akong trabaho ngayon eh." giit ni Payonan.

Panuorin dito:




Love this article? Sharing is caring!

Nagsalita na! Former ABS-CBN cameraman, may matinding mensahe kay Coco Martin Nagsalita na! Former ABS-CBN cameraman, may matinding mensahe kay Coco Martin Reviewed by The News Feeder on 12 May Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.