Arestado ang isang bababe sa Caloocan City dahil sa paglabag sa ECQ rules.

Inaresto ng mga pulis ang isang babae sa Brgy. 156, Service Road, Caloocan City nang lumabas ito ng kalsada na hindi nakasuot ng face mask. Nang tanungin ng mga kapulisan ang babae kung nasaan ang kanyang quarantine pass ay wala rin itong naipresenta.


Sa viral video, makikita ang babae na kinilalang si Mickaela Tahum na nakikipagtalo sa mga pulis matapos syang hindi payagang makalusot sa police checkpoint.

Ayon kay Tahum, lumabas sya ng kanilang bahay para lang iabot ang bitbit nyang bag sa kanyang kakilala.

Ngunit bunsod ng mahigpit na pagpapairal ng community quarantine upang maiwasan ang pagkalat ng C0VID-19 ay hindi pinayagan ang galit na babae na magawa ang naturang pakay.

READ Harry Roque, binalikan si Coco Martin sa sinabi nya laban sa pamahalaan

Maririnig sa video ang pagtataas ng boses at pagmumura ni Tahum sa mga otoridad kung kaya naman isa rin ito sa mga naging basehan para arestohin ang babae.

Pagpapaliwanag sa kanya ng isang pulis, hard lockdown, hindi isang pangkaraniwang lockdown lamang, ang kasalukuyang ipinapatupad ngayon sa nasabing barangay.

Habang nakikipagbuno, maririnig ang babae na may kausap sa cellphone na tila hinihingan nito ng tulong sa gitna ng pangyayari.

Mapapanuod rin sa isang bahagi ng video na akmang tatakas ang babae habang kinakausap ito ng mga pulis para ayusin ang problema.

Bago matapos ang video, nakunan pa ang pagbanggit ng isang pulis kay Tahum na aarestuhin na sya dulot ng ginawang paglabag.

READ Harry Roque, binalikan si Coco Martin sa sinabi nya laban sa pamahalaan

Panuorin dito:


READ Harry Roque, binalikan si Coco Martin sa sinabi nya laban sa pamahalaan



Love this article? Sharing is caring!

Babae, arestado matapos makipagtalo sa mga pulis at lumabag sa 'hard lockdown' Babae, arestado matapos makipagtalo sa mga pulis at lumabag sa 'hard lockdown' Reviewed by The News Feeder on 14 May Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.