Maging ang GMA broadcaster na si Arnold Clavio ay hindi nagpahuli sa viral classroom quote ni Kim Chiu. Kasunod ito nang paglutang ng balita tungkol sa naging mañanita o birthday salubong na ginawa para sa NCRPO Chief.

Kamakailan lamang, kumalat sa social media ang mga larawan sa naganap na birthday party ni PNP Major General Debold Sinas.


Inulan ng batikos ang naturang pagdiriwang dulot ng malinaw na paglabag sa ilang quarantine protocols, ilan sa mga ito ay ang pagbabawal sa mass gatherings at mahigpit na pagpapatupad ng social distancing.

Hindi man deretsahang pinangalanan, nagkomento ang Kapuso anchor tungkol sa naganap na mass gathering gamit ang classroom quote ng Kapamilya star na si Kim Chiu.

Aniya, “SA ILALIM NG ECQ MAY BATAS, BAWAL MAG-BIRTHDAY PARTY, OH BAWAL ANG BIRTHDAY PARTY. PERO ‘PAG SINABI, ‘PAG NAG-COMPLY KA NA BAWAL ANG PUBLIC GATHERINGS AT SOCIAL DISTANCING PERO MAY GINAWA KA SA PINAGBABAWAL NILA, INAYOS MO ‘YONG RULES NG ECQ NIYO AT SINABMIT MO ULIT SA HEPE MO AY PWEDE NA PALA ANG MAÑANITA.”

READ Babae, arestado matapos makipagtalo sa mga pulis at lumabag sa 'hard lockdown'

Ayon pa sa caption ni Clavio, “Ang sabi ni Kim Tsu…(anguished face emoji).”





A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan) on



READ Babae, arestado matapos makipagtalo sa mga pulis at lumabag sa 'hard lockdown'



Maaalalang sinabi ni Chiu sa naganap na Laban Kapamilya online protest ang mga katagang “Sa classroom may batas, bawal lumabas, oh bawal lumabas. Pero ‘pag sinabi, ‘pag nag-comply ka na bawal na lumabas pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo ‘yong law ng classroom niyo at sinumbit mo ulit ay pwede na pala ikaw lumabas,”

Umani ng batikos ang ABS-CBN artist dahil sa naturang mga pahayag.

READ Babae, arestado matapos makipagtalo sa mga pulis at lumabag sa 'hard lockdown'


Love this article? Sharing is caring!

Arnold Clavio, nagkomento sa mañanita ni NCRPO chief gamit ang classroom ni Kim Chiu Arnold Clavio, nagkomento sa mañanita ni NCRPO chief gamit ang classroom ni Kim Chiu Reviewed by The News Feeder on 9:20 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.