Ayon sa isang ulat, kwinento ng bar topnotcher na si Mae Diaze Azores na inaantay na lamang ng kanyang lola ang resulta ng Bar exam ngunit sa kasamaang palad ay hindi na ito umabot.

“Before siya pumanaw sabi nya sakin, ‘Inaantay ko na lang sana yang results mo bago ako umalis,’ kaso yun nga po hindi na kınaya kasi grabe na rin ‘yung sakit niya,” saad ni Azores.


 “I believe she’s watching from heaven cheering for me,” dagdag pa nya.

Naibahagi din ng bagong abogada sa panayam sa kanya ng News 5 ang kanyang naging dasal bago pa man lumabas ang resulta.

“Ang prayer ko talaga is, ‘Lord, ipasa mo ko. Let this be according to your will, sana maging topnotch na rin ako, kahit top 8 lang.’ Nung nakita ko na top 1 hindi ko talaga in-expect,” banggit ni Azores.

Karamihan sa mga nasa top 10 ngayong taon ay mga kababaihan at pawang sa mga probinsya nagsipagtapos ng abogasya.


Love this article? Sharing is caring!

Top 1 sa Bar exam, inialay ang tagumpay sa lolang hindi nahintay ang resulta matapos pumanaw Top 1 sa Bar exam, inialay ang tagumpay sa lolang hindi nahintay ang resulta matapos pumanaw Reviewed by The News Feeder on 29 April Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.