Sa gitna ng umiinit na usapin ngayon sa social media tungkol sa mga taong hindi nakakatanggap ng ayudang binibigay ng pamahalaan, tanong ng ilan: Sino nga ba ang mga nasa middle class?

Ayon sa Philippine Institute of Development Studies o PIDS, ang kahulugan ng middle class o middle income ay "families (or persons belonging to families) that have incomes between 2 and 12 times the poverty line".

READ 'MAHIRAP MAGING MIDDLE CLASS': Hinaing ng netizen na hindi mabibigyan ng ayuda


Base sa datos ng ginawang pag-aaral ng PIDS, magsisimula sa P18,200 hanggang P36,400 (base sa 2015 prices) o P19,040 hanggang P38,080 (base sa 2017 prices) ang buwanang sahod ng mga taong kabilang sa middle class.

Sila ang tinaguriang 'lower middle-income class' o ang mga taong nasa pagitan ng dalawa at apat na beses ng poverty line.

Samantalang ang mga mismong nasa 'middle middle-income class' naman ay kumikita ng P36,400 hanggang P63,700 (base sa 2015 prices) o P38,080 hanggang P66,640 (base sa 2017 prices) buwan-buwan.

Ang mga tao naman na pinakamataas sa kategoryang ito ay tinatawag na 'upper middle-income class' at sumasahod kada buwan ng mula P63,700 hanggang P109,200 (base sa 2015 prices) o P66,640 hanggang  P114,240 (base sa 2017 prices).

READ 'MAHIRAP MAGING MIDDLE CLASS': Hinaing ng netizen na hindi mabibigyan ng ayuda


Narito ang buong detalye:



Love this article? Sharing is caring!

Middle class: Sino nga ba ang mga taong kabilang dito? Middle class: Sino nga ba ang mga taong kabilang dito? Reviewed by The News Feeder on 11 April Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.