Tiniis ng isang babaeng seafarer na magpalipas ng magdamag sa kanyang sasakyan matapos umano syang harangin sa checkpoint.

Ayon kay Kim Trivino, dumaan na sila ng kanyang iba pang mga katrabaho sa initial quarantine at pinayuhan nang umuwi matapos ang anim na araw na paglalagi sa hotel upang ipagpatuloy ang 14-day quarantine sa kanya-kanya nilang tahanan.


Dala ang letter mula sa Department of Health na kanyang magsisilbi sanang pass para palusutin sa checkpoint, hinarang umano si Trivino at ang kanyang tatay na sumundo sa kanya.

Dulot ng tila hindi pagkilala ng mga otoridad sa dokumentong ipinakita ng babae, natulog na lamang ang mag-ama sa sasakyan at nagtiis.

Narito ang kanyang kwento:

Hindi makatulog, hindi makaihi.. Ano pong kasalanan ko? Kasalanan na po bang maging Seafarer.. Lord, pakinggan nyo po ako.. pakiusap.. hindi pa po natutulog ang Tatay ko, walang kasama ang Nanay ko sa bahay, iyak ng iyak hndi makatulog., bakit? Dahil Seafarer ang nagiisa nilang anak?? Department of Health (Philippines) OWWA Overseas Workers Welfare Administration CF Sharp Recruitment.

Para saan ang pagtanggap samin ng DOH, DFA at BOQ sa NAIA.. paglapag palang chineck na kmi sa plane plang. dinala kami sa hotel para sa 14-day mandatory facility-based quarantine after 6days of staying sa hotel, nirelease kami kahapon ng 1pm para makauwi sa knya-knyang tahanan to continue the remaining 8days home-based quarantine.. nagprovide sila ng shuttle bus, 8 shuttle buses daw iyon at dahil tga Batangas ako, sa number 7 ako napunta dahil titigil sa Muntinlupa, Sta Rosa, turbina at Sto Tomas Batangas. Bumaba ako sa Turbina dahil yun ang alam puntahan ng tatay ko para sinduin ako. Naghintay ako ng mahigit 2hrs sa Turbina, nakakatakot, takot na takot ako. Inabot na ng takip silim sa lugar na wala akong kilala.. buti may battery pa phone ko dahil nakicharge ako sa bus na sinakyan ko. Tumawag ako sa Nanay at Tatay ko. At sa kaibigan ko na para ko ng kapatid. Mangiyak ngiyak ako sa takot. Mga bandang 6:30pm nung dumating ang tatay ko sa Turbina. Bakit yung ibang kasamahan ko masaya silang nakauwi, bakit ako hinold sa labas ng sarili kong bayan, hinold sa town plaza hanggang ngayon hndi pa nakakauwi sa aking tahanan.. asan ang hustisya? May bitbit akong CERTIFICATE OF QUARANTINE from DOH na nagsasabing kailangan akong tanggapin ng LGU ng bayan ko at may maisagawang home-based quarantine na may strict monitoring.. asan na po? Bakit hndi nyo maunawaan? Dahil sa sasabihin ng kapitbahay namin?? Tsaka sila magreklamo kung makikita nila akong nagTitiktok sa labas ng bahay.. tsaka nila ako silipin na bakit ako pinayagan kung nakita nila akong hndi sumusunod sa nakasaad sa sulat na inissue ng DOH and BOQ. Nakakagalit po. Nauunawaan ko ang batas, pero alin pong batas ang nilabag ko? Alin pong batas ang mali?

Pauwiin nyo po ako, isa lang po akong Seafarer na galing sa malinis na barko ng Norwegian Star. Cleared po ako. Sa totoo lang, baka dito ako magkasakit sa ginagawa nyo. Gusto ko lang po ay makauwi, matapos sa bahay ko ang Mandatory quarantine na ito at makasama na ang pamilya ko. 😭 konsiderasyon lang din po ang hiling namin na galing ibang bansa.. and take note, nasa dagat lang po kmi ng 14days pagdaong namin ng Miami ay diretso na kmi sa airport..(share lang)

This morning, pinuntahan ako ng kinakapatid ko at ng Tita ko para magdala ng pagkain namin ng Tatay ko sa sasakyan. Panginoon, patuloy mo pong biyayaan ang mga taong may mabubuting puso tulad nila.

At kay “Madam Nurse” (not so sure) po na kausap ko kagabi, makukuha ko din po ang pangalan mo, malaki po ang respeto ko sa mga “Frontliners” na kagaya mo, pero kausapin mo ko ng maayos. Wag kang magalit sakin pinapaliwanag ko lang na unawain nyo ang inissue ng DOH sa akin hndi yung nagbubulag-bulagan kayo. At wag nyo pong sasabihin sakin na hndi lang ako ang Seafarer dito sa lugar natin, tinanong ko kayo kung may letter sila na galing DOH sagot nyo sakin “meron siguro”? Paki-explain po yung salitang “siguro” same po ba yun ng “yata” meaning hndi sigurado? Not sure? Ganon po ba yun?? Enlighten me Madam. Salamat po. Wala po akong nilabag. Sunod lang tayo sa nakasaad sa sulat.

Human Rights daw po? Paalala ko lang po, tao po ako. Tao po ang tatay ko.

Ikaw? Anong Quarantine Story mo?
#DepartmentofHealth #OWWAcares #Seafarerstory #Quarantinelife #quarantine #SanJuanBatangas #LGU #LocalGovernmentUnit #NCLCrew

Narito


Love this article? Sharing is caring!

Seafarer, natulog sa sasakyan matapos harangin sa checkpoint kahit may DOH pass Seafarer, natulog sa sasakyan matapos harangin sa checkpoint kahit may DOH pass Reviewed by The News Feeder on 09 April Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.