Inulan ng papuri ang isang Saudi national kasunod ng kanyang trending video kung saan mapapanuod ang pagmamahal nya sa mga pinoy, partikular na sa pinoy nurses.

Kabi-kabila ang paghanga ngayon ng netizens para kay Ahmed Alruwaili, isang Saudi national, dahil sa pagmamahal at pagmamalasakit na ipinapakita nito sa mga pinoy na nasa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia.


Base sa isang panayam sa kanya, sinabi ng 29-anyos na nurse sa Riyadh na nagsimula syang magvlog noong Hulyo ng 2019 para mapasaya ang kanyang Overseas Filipino Worker (OFW) na mga kaibigan.

"The reason why I blog for Filipino is cuz I love Filipino, I always go to my OFW house here in Riyadh." saad ni Ahmed.

Dagdag pa nya, gusto nyang pinapatawa ang mga pilipino dahil deserve nilang sumaya.

"They always treat me nice. The reason is cuz I want them to laugh cuz they deserve to laugh." banggit ng Saudi national.

Isang video ng nasabing nurse ang viral ngayon sa social media dahil mapapanood dito ang buong-pusong pagmamalakasit ng lalaki sa Filipino nurses.

Makikita sa video, na ngayon ay meron nang 2.3 million views sa Facebook, ang pagbabahagi ni Ahmed ng fresh flowers at food bags sa mga pinoy na nurse.

Ayon sa kanya, tinulungan sya ng isang Filipino restaurant owner sa Riyadh na nagbigay umano sa kanya ng discount nang sya ay bumili ng mga pagkain para ipamigay sa mga pinoy.

Sa dulo nang nasabing video, nagpasalamat ang good samaritan sa lahat ng nurse sa buong mundo ngunit higit sa lahat, sa Filipino nurses na para sa kanya ay mga tunay na bayani na lumalaban kontra C0VID-19.

Dulot ng labis-labis na pagmamahal ni Ahmed sa mga pinoy, nabanggit pa nya na sana ay isa syang tunay na Pilipino.

"I love them. I wish I was a Filipino," aniya.

Kwento ni Ahmed, pinalaki sya ng yaya nyang pinoy na namalagi sa kanilang pamilya sa loob ng 18 taon.

Saad nya, binibisita nya ito tuwing sya ay pumupunta sa bansa.

"When I go to PH, I go to province. I don't go to city. To province with my OFW friends. Wala aircon. Only electric fan. Haha," paliwanag ng lalaking may pusong pinoy.

"I went to the province in PH in August 2019 and my OFW friend, his grandma had a sari sari store at that time. Then I went to PH again in March 2020, then I was happy I want to buy from her sari sari store but it was closed cuz they didn’t have enough money." pagpapatuloy ni Ahmed.

Ibinahagi din nya ang kanyang pangarap na sana raw ay mangyari pagpunta nya sa June 2 sa Pilipinas.

"My dream is to celebrate my birthday in June 2, with my lodi Vice Ganda in the Philippines," ika ni Ahmed.

Sa kanyang Facebook page na TheSaudipinoy at YouTube channel na Saudi Pinoy, mapapanuod ang mga short videos kung saan mayroong mga Filipino jokes at encouraging messages at advice para sa kanyang mga homesick Filipino friends si Ahmed.

READ: Doktora, ibinulalas ang galit sa ginawa ni Koko

Panuorin ang video dito:





Love this article? Sharing is caring!

Sa gitna ng C0VID-19, Saudi national humanga sa pinoy nurses: "I love them. I wish I was a Filipino" Sa gitna ng C0VID-19, Saudi national humanga sa pinoy nurses: "I love them. I wish I was a Filipino" Reviewed by The News Feeder on 02 April Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.