Dulot ng dumaraming artistang nagpapahayag ng kanilang saloobin laban sa gobyerno, nagsalita na ang aktor na si Robin Padilla patungkol dito.

Sa gitna ng laban sa C0VID-19, sunod-sunod ang pagti-tweet ng mga celebrity na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa ginagawang pamumuno ngayon ng bansa. Bukod pa rito, ilang mga kabataan din ang sumasalamin ng kaparehong saloobin ng mga naturang aktor.


Dulot nito, nagsalita na si Robin Padilla kaugnay ng isyu.

Giit ng action star, hindi ito ang panahon ng pagtatalo hinggil sa kung sinong lider ang mas magaling.

“Hindi ito ang oras para magpagalingan sa salita at tula lalo ng talumpati nakalipas na ang panahon na yun sapagkat ito na oras ng aksyon at paglakad kung maari ay pagtakbo upang makagawa ng mabuti hindi lamang sa kapwa kundi para sa sarili unang una,” saad ng aktor.

Dagdag pa niya, “may mga napapabayaan ng nga LGU pero yun ang paraan para makilala ninyo ang inyong mga pinuno meron naman tumutulong ng walang kapalit hindi sa nais na magpakilala kundi dumaramay lamang at nakikipagkapwa tao.”

Panawagan pa ni Padilla, kung wala namang sasabihin na maganda o hindi makakatulong ay manahimik na lamang. Bagkus, ituon na lang ang atensyon at tulong sa mga frontliners.

“Magtiwala tayo sa Panginoong Maylikha dahil nasa kanya ang awa kumilos tayong lahat dahil nasa atin ang gawa nobody will do the battle for us in this war! “all of us are in this war! all of us are soldiers this is not the time for politicking and speeches destabilizing the GOVERNMENT now is clear treason. We cannot surrender the fight we fight together we will win! we fight among ourselves we lose….and we cannot be the author of our own extinction as filipinos God forbid God have mercy,” ika ni Robin.

READ: Pangungurakot sa pondo para sa C0VID-19 assistance, nakunan sa video

Tignan ang kanyang Instagram post:







Hindi ito ang oras para magpagalingan sa salita at tula lalo ng talumpati nakalipas na ang panahon na yun sapagkat ito na oras ng aksyon at paglakad kung maari ay pagtakbo upang makagawa ng mabuti hindi lamang sa kapwa kundi para sa sarili unang una. Ang virus na ito ay panggising sa ating mga mundo at ang nakikinabang ng higit ay ang Inang kalikasan marami ang namamatay at nagsasakripisyo kayat ang kanilang pagiging mga martyr kailanman ay hindi kalilimutan ng Inangbayan may mga napapabayaan ng nga LGU pero yun ang paraan para makilala ninyo ang inyong mga pinuno meron naman tumutulong ng walang kapalit hindi sa nais na magpakilala kundi dumaramay lamang at nakikipagkapwa tao ang buong mundo ay mababago at mag uumpisang muli hindi mainam na maiwan tayo sa nakaraan at mabuhay pa rin sa pagbatikos the world itself is changing and we cannot stop it walang sinoman ang makakakontra sa pag ikot ng mundo at ng ating mga buhay this is the time to make something out of ourselves our reel lives has just passed Alhamdulillah Praise God for all his blessings he prepared us well for this very real very tough and very rough times maging pangpalakas tayo sa iba at maging pangpalakas natin ang iba we are at war ladies and gentlemen let us use our bodies and mouth including our resources to fight for the survival of Humanity kung wala tayong sasabihin na totoo at hindi makakatulong sa laban mainam ay manahimik at tumulong na lang sa mga frontliners o sa mga malalapit ninyong kapitbahay na naghihirap at naghihikahos.Magtiwala tayo sa Panginoong Maylikha dahil nasa kanya ang awa kumilos tayong lahat dahil nasa atin ang gawa nobody will do the battle for us in this war! all of us are in this war! all of us are soldiers this is not the time for politicking and speeches destabilizing the GOVERNMENT now is clear treason. We cannot surrender the fight we fight together we will win! we fight among ourselves we lose....and we cannot be the author of our own extinction as filipinos God forbid God have mercy
A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on


Love this article? Sharing is caring!

Robin Padilla, may mensahe sa mga taong nagpahayag ng galit sa gobyerno Robin Padilla, may mensahe sa mga taong nagpahayag ng galit sa gobyerno Reviewed by The News Feeder on 03 April Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.