Kasulukuyang bumubuo ang College of Engineering (COE) ng University of the Philippines Diliman (UPD) ng cleaning chamber para sa PPEs o Personal Protective Equipment ng mga health workers sa bansa.

Ang dine-develop na prototype ng UPD-COE na cleaning chamber ay gagamit ng ultraviolet light exposure para i-disinfect ang PPEs ng mga medical staff.


Para masagot ang problema bunsod ng kakulangan sa kagamitan ng mga frontliners habang sila ay nagbibigay ng atensyong medikal sa mga tinamaan ng C0VID-19, binuo ang proyektong UV Cleaning Chamber Project.

Ang prosesong dulot ng UV chamber umano ang magbibigay daan upang ligtas na mapakinabangan muli ng health workers ang kanilang mga nagamit nang PPEs.

Ayon sa ulat, gagamit ang chamber ng germicidal ultraviolet system na maglalabas ng specific wavelength na papatay sa mga mikrobyo.

"It makes the virus lose its ability to reproduce by breaking their DNA rendering them harmless." saad ng isang artikulo tungkol dito.

"The chamber will also pass the PPEs through black light. If bodily fluids are still present in hospital gowns, it indicates the presence of bacteria and the potential coronavirus." pagpapatuloy ng naturang ulat.

Inanunsyo ang balitang ito ng UP Diliman noong March 27, 2020, bilang sagot sa tumataas na bilang ng C0VID-19 positive na mga pasyente sa bansa.

Nauna nang gumawa ang kaparehong unibersidad ng C0VID-19 test kits para sa bansa na aprubado ng FDA.


Love this article? Sharing is caring!

Para ma-reuse ang PPEs! UP engineers, nagde-develop ng UV cleaning chamber Para ma-reuse ang PPEs! UP engineers, nagde-develop ng UV cleaning chamber Reviewed by The News Feeder on 06 April Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.