Dahil sa kabi-kabilang kaso ngayon ng diskriminasyon na natatanggap ng ilang health workers, marami sa kanila ang natatakot na para sa kanilang sariling kaligtasan.
Marahil ay nag-ugat ang mga diskriminasyon o pandidiri sa kanila dulot ng takot ng ilan na baka mahawa ang mga ito sa sakit na maaaring dala ng mga nagsasakripisyong frontliners.
Tila ito ang sumasalamin sa larawan ng isang babaeng nakita ng netizen na si Acer Bongolo Vergara Bautista na ayon sa kanya ay isang nurse.
Sa larawan, makikita ang nurse na literal na kumain sa labas. Nakaupo sya sa tila harap ng isang saradong shop habang pinapawi ang gutom.
Sa palagay ng lalaking kumuha ng mga larawan, kaya siguro kumain ang nurse sa labas ay maaaring dala ng 'takot na mapahiya' sya kung sakaling sa restaurant na pinagbilhan ng pagkain nya ito ginawa o sa bahay na kanyang tinutuluyan, lalo na kung nangungupahan lamang ito.
Pagbabahagi ni Vergara, nahabag sya ng lubos sa nakitang frontliner at labis na humahanga sa mga sakripisyong ginagawa ng mga katulad nya.
Narito ang kanyang buong kwento:
ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜ Nakakaiyak naman tingnan to. Viral ngayon ang Larawan ng isang Bayaning #Frontliner na sa takot siguro mapahiya, o madisgrasya sa kamay ng mga taong mababa ang utak. Sa tabi na lang kumakain.. Buwis buhay sila para sa kaligtasan natin, pero anong iginanti ninyo sa kanila, pangungutya, pamamahiya at minsan umabot pa physical abuse ang inyong ginawa. #Mabuhay kayong lahat na mga #frontliner. Sobrang hanga ako sa mga sakripisyo nyo para sa mga kababayan na kung tutuusin hindi deserving sa #Sacrifices ninyo.
#RaffyTulfoinAction
Take note me nakalagay sa Caption ko na "SA TAKOT SIGURO MAPAHIYA". after that binahagi ko lang yung sympathy ko sa larawan. Dahil hindi naman lingid sa ating kaalaman na maraming #Frontliner na nadisgrasya, binato, sinabuyan ng acido, simabuyan ng zonrox, etc. Wala po akong sinabi sa caption na
dini-discriminate o nadiscriminate siya. Wag po kayo vuvu at guilty agad kayo. Wala din po akong sinabing me store na nagpalayas o diniscriminate siya...! Basahin nyo po ng maigi ang Caption ko. MALINAW NA MALINAW PO NA SINABI KONG "SA TAKOT NIYA "SIGURO" MAPAHIYA O MADISGRASYA MAN " BAKA MINABUTI NA LANG NIYANG LUMAYO AT SA KALYE NA LANG KUMAIN. DI PO BA MALINAW NA KAHABAG-HABAG ANG ISANG UNIFORMADONG TAO NA SA KALYE KUMAIN. TAMA PO BA YAN SA PANINGIN NINYO NA SA KALYE SIYA KUMAKAIN. NAKAKIYAK PO TINGNAN... Anong gusto ninyo hihintayin pa ba siya na mapahiya o madisgrasya siya, me tao ba na nagsasabi na HOY IKAW TINGIN KA DITO SASABUYAN KITA NG ACIDO. wala di po ba...! Alam mo ba kung kailan at saan ka madidigrasya. Wag pong vuvu yang iilan lang naman ang mag message sa akin na GUILTY agad...! Binahagi ko lang yung sympathy o pagkahabag ko sa Nurse. Dahil hindi po maganda tingan na makikita mo ang isang Nurse na Buwis buhay at makikita mo ayan kumakain sa kalye...! Yung nag message sa akin parang Manager or Crew ata ng Fastfood, guilty at ang vuvu ng mga messages niya sa akin. Pinaulit-ulit konpa sa kanya na basahin niya maigi yung caption ko, still di pa din niya gets..! Parang cancer sa ML ang putik, vuvu..
Love this article? Sharing is caring!

Para lang makaiwas sa diskriminasyon? Nurse, sa tabi na lang kumain
Reviewed by The News Feeder
on
14 April
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...