Sa panahon na maraming mahihirap ang gipit na gipit na dulot ng kawalan ng trabaho bunsod ng kinakaharap na krisis, nakaisip ng paraan ang ilang mga taga-Bulacan para makatulong sa mga mas nangangailangan.

Sa larawan mula kay Janica Dela Cruz, makikitang ang ilan sa mga nakatira sa Kaypian, San Jose del Monte, Bulacan ay nagsabit ng puting tela sa kanilang mga gate.


Ayon sa ulat, ang pagsabit umano ng puting gamit sa kanilang mga gate ay sumisimbolo ng pagtanggi sa ayuda na kasalukuyang ipinapamahagi ng pamahalaan, simbolo ito ng pagpapaubaya sa mga mas mahihirap na kababayan.

Maaalalang kamakailan lamang ay lumutang ang mainit na usapin tungkol sa mga middle class na hinahangad ding makakuha ng ayuda mula sa gobyerno.

Tignan ang mga larawan:








Love this article? Sharing is caring!

Mga taga-Bulacan, naglagay ng puting tela sa gate bilang pagtanggi sa Social Amelioration Program Mga taga-Bulacan, naglagay ng puting tela sa gate bilang pagtanggi sa Social Amelioration Program Reviewed by The News Feeder on 12 April Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.