Bilang reward sa magkakaroon ng pinakamababang kaso ng C0VID-19, magbibigay ng 10,000 fried chicken at 10,000 softdrinks si Davao City Mayor Sara Duterte.

Gagawin ni Mayor Sara Duterte-Carpio ang pamamahagi ng 10,000 fried chicken at 10,000 softdrinks sa kaniyang kaarawan sa Mayo 31.


"Kadtong cluster nga pinaka-least of positive cases by May 31, librehon tamo tanan og 10,000 Jollibee Chickenjoy. Of course, first come, first served ni," saad ng presidential daughter sa isang pahayag sa Davao City Disaster Radio.

('Yung cluster na may least positive cases by May 31, 2020, librehin ko kayo lahat ng 10,000 fried chicken. Of course, first come, first served ito.)

"Kinahanglan kamong tanan, magbuhat mo og paagi nga dili motaas ang inyong positive cases." dagdag pa nya.

(Kailangan kayong lahat, may paraan para hindi na tataas pa ang bilang ng positive cases.)

Ayon sa isang ulat, ngayong linggo nagsimulang ipatupad ang clustering sa mga distrito sa Davao City.

Sa pinakahuling tala, may pinakamaraming kaso ang Cluster 1 (Talomo District, Poblacion), na may 43 kumpirmadong COVID-19 cases.

Sa naunang pahayag ng alkalde, ibibigay niya ang kaniyang sahod para sa isang buong taon sa mga health workers na tatamaan ng naturang sakit.


Love this article? Sharing is caring!

Mayor Sara, mamimigay ng 10,000 fried chicken sa city cluster na may lowest C0VID-19 cases Mayor Sara, mamimigay ng 10,000 fried chicken sa city cluster na may lowest C0VID-19 cases Reviewed by The News Feeder on 22 April Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.