Lubhang ikinalungkot ng isang matandang lalaki ang ginawa ng DSWD sa kanya matapos umanong bawiin ang ibinigay na P6,500.00 na ayuda mula sa social amelioration program ng gobyerno.
Sa panayam kay Joel Alva Baclao, apo ng nasabing lolo, ibinahagi ng bata na abut-abot raw ang tuwa ng matanda matapos nyang makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.
Subalit ng bawiin ito ng DSWD ay labis-labis ang pagkalungkot ng lolo, pagdedetalye ng kanyang apo sa isang Facebook post.
Hangad pa raw sana ng matanda na magkaroon ng mga bagong gamit na maisusuot ngunit dahil binawi ito ay hindi na nabili ang mga iyon.
"hiling lang nya sa binigay ayy ibili sya ng brief at damit at 6 pocket na short", saad ni Joel sa kanyang post sa social media.
Kwento pa ng lalaki, hindi na nila naibalik ang buong halaga ng ayuda ng bawiin ito ng DSWD dahil nagastos na nila ang isanglibo para sa vitamins at personal hygiene ng matanda.
READ Lalaking hikahos, namigay ng saluyot at bunga ng malunggay kahit sa hindi nya kabarangay
Narito ang buong Facebook post:
Sobra nalungkot si lolo kasi binawi ng dswd ang pera na binigay na ayuda...nalungkot sya sobra hiling lang nya sa binigay ayy ibili sya ng brief at damit at 6 pocket na short pero ganun pa man ayan yung pera 5550 pa napabalik at kulang 1k napamili namin para sa personal hygiene nya at vitamins buti nalang di namin iginastos sa iba pa nya pangangailangan...kung sino man po ang nag sabi na bakit kme kasama.. Tingnan nyo po ginawa nyu...para sa matanda yung ayuda di sa amin..god bless nalang sa na inggit...
READ Lalaking hikahos, namigay ng saluyot at bunga ng malunggay kahit sa hindi nya kabarangay
Love this article? Sharing is caring!

Lolo, binawian ng ayuda mula sa social amelioration fund
Reviewed by The News Feeder
on
23 April
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...