Nagpamalas ng kabutihang loob ang isang lalaki matapos nyang magbigay ng tulong sa mahigit isandaang katao na walang makain sa gitna ng kasalukuyang krisis.

Nagmistulang anghel sa lupa si Richard Ronnie Ga para sa 106 construction workers sa itinatayong building sa kanto ng Pearl Drive at Exchange Road sa Ortigas Center, Pasig City.


Stranded ang mga naturang manggagawa sa nasabing building bunsod ng umiiral na enhanced community quarantine.

Si Richard ay empleyado ng isang kompanya sa building na katabi lamang ng construction site.

Sa kagustuhang tumulong, nag-post ang lalaki sa Facebook ng kaawa-awang kalagayan ng mga construction worker na inabutan ng lockdown sa trabaho.

Sa post ng lalaking nagmagandang loob, ipinakita nya ang larawan ng mga laborer na nagugutom na kaya napilitang manghingi sa mga dumaraan ng makakain.

Naka-panayam ng PEP si Richard na ayaw sanang magpa-interbyu noong una.

“Sa Tektite lang yung office ko kaya they caught my attention agad. Every day ako dumadaan sa construction site since the lockdown, but never sila lumabas o humingi ng tulong.

"I have a view of the construction site sa office building namin, pero hindi ko akalain na ganoon sila karami.

"When I saw them outside kahapon, I know they’re in desperate need of help,” pagbabahagi ni Richard sa Facebook messenger.

Nang makita umano ni Richard ang malaking karatula sa harap ng construction site na may nakasulat na, “Ser, Ma’am, Hingi Po Kami Ng Tulong, Gutom Na Po Mga Tao Dito. Kahit Bigas Po Pwede, Salamat Po.” ay nahiyakat syang umaksyon agad upang makatulong.

Mula sa kanyang sariling bulsa, nagbigay si Richard sa construction workers ng isang sakong bigas, isang tray ng itlog, tinapay, at canned goods.

Dahil alam niyang hindi sasapat ang mga naibigay para sa 106 na katao, nag-post siya sa Facebook kung saan nanawagan sya sa mga taong gusto pang magpaabot ng tulong.

Kasunod ng nasabing post nya ay ang pagdagsa ng tulong para sa mga nangangailangan na construction workers.

“Talagang hindi ko lang kinaya na balewalain ang plead nila yesterday. To think na ako, nakakakain nang tama at sobra pa sa isang araw, kahit may lockdown.

"I know na may mga ganitong kaso na itinutulog na lang yung gutom. I just had to do something. Mabuti na lang, marami ang tumulong.

"Matagal na raw silang walang natatanggap na assistance galing sa contractor at company nila. Yung mga pamilya nila sa probinsiya pa ang nagpapadala sa kanila ng panggastos although walang-wala rin yung mga pamilya nila."

Pagpapatuloy nya, "Marami na sila natanggap na help. Marami ang nagme-message sa akin na gustong mag-extend ng tulong. I’m also asking kung may mga makakapag-donate din sa kanila ng hygiene supplies dahil kailangan din nila."

"Nakatanggap sila ng tulong mula sa local government ng Pasig City, pero I don’t think na tatagal ang suporta na makukuha nila from LGU kaya I posted para sana, makita ng mga private sector na willing to help at yun nga ang nangyari.”

Hapon ng April 18, dumating umano sa construction site ang mga miyembro ng Malasakit Movement mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant Secretary Celine Pialago at ang mga private individuals na nag-abot ng tulong sa mga construction worker.

Agad din raw kumilos ang mga opisyal ng Barangay San Antonio, Pasig City ilang oras makaraan ang Facebook post ni Richard.



Love this article? Sharing is caring!

Lalaki, tinulungan ang 106 construction workers na walang makain Lalaki, tinulungan ang 106 construction workers na walang makain Reviewed by The News Feeder on 19 April Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.