Dahil dito, abala ang lahat sa paghahanap ng mga paraan kung paano mababawasan ang tyansang tamaan ng sakit.
Sa YouTube channel ng kilalang doktor na si Dr. Willy Ong, nagbabahagi ang eksperto ng iba't-ibang kaalaman kung paano makakaiwas sa C0VID-19 at sa iba pang mga sakit.
Sa kanyang recent vlog, sinagot nya ang karaniwang tanong ng lahat: Kailan nga ba safe magbukas ng aircon sa gitna ng krisis na kinakaharap natin ngayon?
Kasama ng katanungang iyon, tinalakay din ni Dr. Ong kung saan ang mga ligtas na lugar o kung saan maliit ang tyansang mahawa ang isang tao kung sakaling may makasalamuha itong C0VID-19 positive.
Paliwanag ni Ong, safe ang mga lugar na nasa open space gaya na lamang ng park. Ito ay dahil hindi tumatagal sa hangin ang mikrobyo lalo na kung ito ay hindi nakakulong sa isang kwarto.
Dagdag pa nya, ang viral load o virus na maaaring malanghap ng isang tao mula sa may sakit ay napaka kaunti sa ganitong lugar.
Samantala, lubhang mapanganib naman kung may infected sa bahay at hindi nakabukas ang pinto o bintana kapag umubo o bumahin ang may sakit. Ayon sa doktor, iikot lang sa kwarto ang hangin na may dalang virus kaya naman malaki ang posibilidad na makahawa ito ng marami.
Kung safe ba magbukas ng aircon sa panahon ngayon na may banta ng C0VID-19, paliwanag ni Ong, ligtas lamang na gumamit nito kung walang sakit o healthy ang mga taong nasa kwarto.
READ: Doktora, ibinulalas ang galit sa ginawa ni Koko
Panuorin ang buong paliwang ng eksperto dito:
Love this article? Sharing is caring!

During C0VID-19, kailan nga ba safe magbukas ng aircon? Doc Willie Ong explains
Reviewed by The News Feeder
on
01 April
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...