Nakalulungkot ang sinapit ng isang doktora sa New York, USA matapos kitilin ang sariling buhay sa gitna ng C0VID-19 pandemic.

Bunsod ng kabi-kabilang pagkamatay ng mga pasyente, hindi na kinaya ng babaeng frontliner sa America ang mga pangyayari.


Ayon sa isang ulat, nagpatiwakal si Dr. Lorna Breen sa kanila mismong bahay sa Charlottesville, Virginia noong Linggo.

Nagsilbing medical director ng NewYork-Presbyterian Allen Hospital ang yumaong doktora.

Ang malungkot na balita ay nagmula sa kanyang amang si Dr. Philip Breen.

"She tried to do her job, and it killed her," aniya.

Saad pa ni Dr. Breen, hindi na nasikmura ng pumanaw na doktor ang nasasaksihan dulot ng virus.

Bumalik raw sa trabaho ang doktora matapos magpahinga ng ilang araw ngunit muli syang pinauwi ng ospital kaya dinala sya ng kanyang pamilya sa Virginia.

Wala naman umanong history ng mental illness ang anak ayon kay Dr. Philip pero nabanggit raw ng babae na labis syang naapektuhan ng sunod-sunod na pagkamatay ng mga pasyente.

Ayon sa ilang mental-health experts, post-traumatic stress disorder (PTSD) ang ilan sa mga dulot ng pandemic at nagiging krisis na rin sa health care workers.


Love this article? Sharing is caring!

Doktora sa NY, kinitil ang sariling buhay nang masaksihan ang lupit ng C0VID-19 Doktora sa NY, kinitil ang sariling buhay nang masaksihan ang lupit ng C0VID-19 Reviewed by The News Feeder on 28 April Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.